Kapag ako'y wala na

22 6 1
                                    

Sa paglipas ng panahon
Na ako'y nabubuhay sa piling mo
Ang tanging hiling ko
Ay makita mo ang halaga ko

Ako ang kasama mo
Ako lagi ang nakikita mo
Ngunit bakit siya ang hinahanap-hanap mo?
Bakit siya ang laman ng isip mo?

Kulang pa ba ang mga nagawa ko para sayo?
Hindi pa ba sapat kung anong meron tayo?
Lahat naman ay ginawa ko
Ngunit bakit biglang nagka-ganito

Sana ikaw ay maging masaya
Sana siya ay maging sapat na
Dahil magagawa mo ng makasama siya
Kapag ako'y wala na

The Untold Story Of Us (POETRY)Where stories live. Discover now