" HINDI PA AKO KUMAKAIN, WALA BANG MAGAGALIT DIYAN? "

134 13 7
                                    

A/N: pabebe oneshot lng to guyzz.

MewGulf oneshot AU

-

" HINDI PA AKO KUMAKAIN, WALA BANG MAGAGALIT DIYAN? "

Umalingawngaw ang sigaw ko sa loob ng mall. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko habang vivideo ako ng best friend ko.

-

Nag truth or dare kasi kami habang kumakain kanina. Dare iyong pinili ko kaso hindi ko naman akalain na sisigaw pala ako sa loob ng mall. Langya talaga.

-

"HOY ANO BA?! SABING HINDI PA AKO KUMAKAIN EH! WALA BANG MAGAGALIT?" Sigaw ko ulit kaya pinagtitinginan na ako ng mga tao. Lintek talaga eh!

-

Dapat daw kasi hindi ako tumigil hangga't walang lumalapit sakin.

-

"SINABI NG HINDI PA AKO KUMAKA-----"

-

Biglang may dalawang guard na lumapit sakin. Aaack! Lagot na ako nito. Jusq! Lord na mahabagin.

-

"Excuse Sir, ba't ka ba sigaw ng sigaw?" Tanong ni guard 1.

-

"Ah eh kuya kasi------"

-

"Alam mo bang nakaka eskandalo ka na?" Sabi naman ni guard 2.

-

"Kuya pasensya na po!"

-

Akmang hahawakan nila ako pero bigla akong umatras at tumakbo. Putakte! Ito ang inabot ko sa kagwapuhan ng best friend ko at teka gago rin naman ako kasi pwede akong tumanggi! Napa face palm ako habang tumatakbo.

-

"HOY! BUMALIK KA RITO!"

-

Shet talaga! Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Saan ba ako magtatago? Dahil palingon-lingon ako hindi ko namalayan na may tao pala sa harapan ko kaya bigla akong nabangga sa kanya.

-

"Aray yawa ansaket ng puwet ko!" Reklamo ko habang tumatayo. "Sorry po" hinging paumanhin ko bago tinigna ang-----

-

Ohmyghaaadhebens!

-

Ang gwapo naman.

-

"Why are you running inside this mall?"

-

Uh, obviously kasi hindi ako sa labas tumatakbo? Charot. Shemps sa isip ko lang yan.

-

"Uh kasi ano------"

-

Natigil ako sa pagsasalita ng may humila sa dalawang braso ko. Paglingon ko ay iyong dalawang guard na humahabol sakin. Waaaa!

-

"Mga kuya naman! Sorry na po. Hindi ko na talaga uulitin!"

-

Papatayin talaga kita, Mild! Kasalanan mo lahat to eh.

-

"What did he do?" Tanong ni pogi na nabangga ko kanina. "Did he stole something?" Dagdag pa niya.

MewGulf StoriesWhere stories live. Discover now