" I WILL WRITE OUR OWN TRAGIC LOVE STORY "

72 9 2
                                    

MewGulf oneshot.
!!PPURELY FICTION!!

" I WILL WRITE OUR OWN TRAGIC LOVE STORY "
-

"Bakit ba gustong gusto mo ng tragic ending?" with a knotted eyebrows, I asked Gulf.

-

Isinara niya ang librong binabasa niya atsaka ngumiti, "Because it's the reality. Anyway, ang ganda pala nung new story na pinost mo Mew, as expected, happy ending siya," he giggled.

-

"Though, konti palang ang nagbabasa ng mga gawa ko" I faked a smile.

-

"Ayos lang yan ano ka ba! Magaling ka kaya, ang ganda nga ng mga gawa mo eh. Makikilala ka din balang araw or try mo mag shift ng genre, tragic naman hehe" nakangiti niyang sagot. I heaved a deep sigh.

-

"Do you even believe in happy ending?" I asked. Umiling siya.

-

"Not really," he casually answered, "Alam mo ba kung bakit karamihan sa mga nagbabasa ng love stories ay gusto ang happy ending?" tanong niya.

-

"Hmm kase we all want happiness in the end," I answered.

-

"Nah, because they always end right after the kiss. You never have to see all the bullshit that comes later. You know, life." he muttered. Mataman lang akong nakikinig sa kaniya habang naglalakad kami sa sidewalk.

-

"Gusto kong magkaroon tayo ng happy ending," ani ko, mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya dahil anytime ay alam kong bibitaw na siya.

-

"You can still have your own happy ending Mew, even if it's not for me," ngumiti siya, pero hindi na gaya ng nauna. This time, his smile is dull. It speaks of so much pain.

-

"Gulf..."

-

"At ikaw Mew ha, pag namatay na ako alisin mo na yang hospital gown mo. Nako, wala ka ng bibisitahin dito." Pinitik niya ang noo ko.

-

"Naging bahay ko na ang ospital. Hindi ko alam kung makakayanan kong umalis dito." I muttered.

-

Halos buong buhay ko sa ospital na ako nakatira. I pretended to be sick para lang samahan at bantayan si Gulf sa mga treatment niya. Dahil hindi siya naniniwalang gagaling pa siya.

-

"Once I'm gone, start to find your own happiness. Wish ko yun para sayo. 20 years na Mew, 20 years mo na akong inaalagaan at nakatili sa ospital nato. May sarili kang buhay, live when I'm gone," his lips trembled and a tears escaped on his eyes.

-

"I can't live without you Gulf..." hindi ko na rin napigilan ang unti-unting pagbuhos ng luha sa mga mata ko.

--------------------------------

"I...I guess this is the last..." habol hininga niyang sagot. Nilukob ako ng takot nang bigla na lang siyang napaupo at walang sawang pinaghahampas ang ulo niya habang nagsusumigaw.

-

"LEAVE! LEAVE MEW! LEAVE!" gamit ang kaliwang kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang damit ko. Gusto man niya akong paalisin para hindi masaktan, pero ayaw din niyang iwanan ko siya.

-

"Hinding hindi kita iiwan, kahit kailan Gulf." walang sawa niya akong pinaghahampas at niyakap ko lang siya ng mahigpit habang tinatapik-tapik ang likod niya. Kalaunan ay huminto siya at walang ekspresyon na tumingin sakin.

-

"W-who are you? Leave me alone. Leave me..." he looks like crazy, but he ain't. He has Creutzfeldt-Jakob disease, a degenerative brain disorder that leads to dementia and, ultimately, death. Symptoms are personality changes, anxiety, depression, memory loss, difficulty in breathing.

-

Dahang-dahan siyang tumayo at humakbang palalayo sakin. Naninikip man ang dibdib ko dahil sa sakit na makita siyang ganito ay wala akong magagawa.

-

Pinagsusuntok muli niya ang sarili niya. Nilapitan ko siya habang umiiyak.

-

"I-i c-can't b-breathe..." humahangos niyang hinaplos ang mukha ko at malungkot siyang ngumiti.

-

"I-i'm so b-blessed to h-have you..." umiling ako ng paulit ulit. I knew this would happen, pero bakit ang sakit pa rin?

-

"Gulf... No, please..." I caressed his cheeks, examining his face that I memorized.

-

"T-take c-care okay?" my heart is breaking, I can't accept this fucking pain.

-

"M-maybe one day w-we'll find that place where you and I could be together. And we'll catch our dreams within the wave of change. So smile at me one last time... and please, believe that we'll m-meet again. Until then, I'll be missing you..." I sobbingly mutter. Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya kasabay nun ang unti-unting pagpikit ng mga mata niya at ang huling salitang sinabi niya.

-

"I Love You Mew..."

-

The doctor already warned me na maaring ito na ang huli. Sinubukan kong tanggapin. Sinubukan kong ihanda ang sarili ko, pero tangina sobrang sakit.

-

"I Love You Too Gulf..."

-

The man I love died in my arms. At hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala na siya.

-

Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya at sinubukang ngumiti.

-

"I will become a famous author Gulf, and I'm gonna write about us. And the happy ending we never had."

-

-

@Venus_
🥺😭😭😭

MewGulf StoriesWhere stories live. Discover now