CHAPTER EIGHT [ Sean ]

294 8 0
                                    

Chapter Eight [ Sean ]

Lutang.

Ito siguro ang salitang nababagay sa akin ngayong umaga. Damn, kung kailan may exam. Kainis naman.

Kaunti lang naman ang nainom ko kagabi, pero dahil nga hindi ako nakapag-aral, pinilit ko at nagpunta pa talaga ako sa coffee shop, pagkatapos...

I sigh and shake my head. Wala na si Blu, pinauna ko na at siya nalang rin ang pinasundo ko kay Kianna sa bahay nila. Umidlip pa kasi ako ng kaunti, sobrang aga pa lang rin naman kaya ayos lang.

I'll make sure that I'm not going to be late.

Habang nagmamaneho papunta sa university, an image of Meredith flash in my mind. Para naman akong nagising at ilang beses na umiling iling.

This is not good. This is not normal.

Nang makarating ako sa university, I immediately search for Kianna. Hindi naman ako nahirapan dahil nasa parking lot pa lang ako, nakita ko na siya...pababa pa lang sa may sasakyan ni Blu.

Ano'ng ibig sabihin nito? Sobrang aga umalis ni Blu ah? Ngayon lang sila at nauna pa ako?

I shrugged it off at tinawag na lang si Kianna. Halatang nagulat pa ito sa ginawa kong pagtawag pero lumapit rin naman kaagad. I smiled at her. “Morning, pumpkin.” bati ko rito.

She rolled her eyes but smiled anyway. At habang patungo kami sa kaniyang classroom, ipinaliwanag ko sa kaniya kung bakit hindi ako ang sumundo, but if course, hindi ko isinama iyong about sa pagkikita namin ni Meredith.

IT IS already lunch break, at ngayon ko napagdesisyonan na sabihin na sa Dean ang nangyari noong nakaraan. Ayoko nang patagalin pa iyon, I want to be fair already, but...I don't want to...psh. ano ba 'tong iniisip ko.

“Tulala ka. Don't worry, nasa labas lang ako ng office.” ngumiti si Kianna pagkatapos iyon sabihin sa akin. Umiling naman ako pero nakangiti pa rin.

Ang sabi ko sa kaniya mauna na siyang mag lunch sa akin, pero ang kulit, ayaw niya kaya sa labas nalang raw siya. Hindi naman siya isa sa mga officers kaya hindi siya pwede pumasok sa loob during the meeting.

Pinatawag ko na kay Echo ang babaeng nakaaway ni Meredith. Ako naman sana ang tatawag kay Meredith, kaya lang ay pinigilan ako ni Arianne dahil tawag na raw ako ni Dean sa loob.

Nang makapasok ako, kaagad tinanong ni Dean kung ano ba talaga ang mayroon. At dahil wala naman ako ro'n noong unang naganap ang pangyayari, iyong naabutan ko lang ang sinabi ko.

Hindi ko na muna isinama iyong napagusapan namin ni Meredith. Kung ano man ang ibig sabihin niya kung bakit gustong gumanti noong babae, gusto ko siya mismo ang magpaliwanag no'n. Dahil ako mismo ay naguguluhan...

The door in the office opened, lahat kami ay napabaling ro'n. Pumasok iyong babae at nakayuko na tumayo sa isang gilid. Mula sa labas, nakita kong naroon ang ilang lalaking kaibigan nitong babae. Kaagad kong naisip si Kianna.

I excuse myself from Dean and stand up immediately. Lumabas ako at hinawakan si Kianna sa palapulsuhan saka siya ipinasok sa loob. Halatang nagulat siya, pero alam kong gusto niya rin naman ito.

Nang akmang isasara ko na ang pinto, siya namang pagpigil ng isang kamay ro'n. Akala ko ay may naipit pero nang tingnan ko iyon, si Meredith pala...

Kaagad kong ibinuka ang pintuan para tuluyan siyang makapasok. Walang emosyon siyang pumasok sa may loob, hindi manlang nga yata kinakabahan o baka sadyang magaling lang siya magtago ng emosyon...

Pero mas lalo pa akong nagulat nang tuloy tuloy siya sa upuan ko kanina, kung saan siya pinakamalapit sa puwesto ng Dean.

She crossed her arms and legs, dahilan upang medyo tumaas ang tela ng kaniyang palda. I look away and gritted my teeth.

Taste of Two Lips Rivera Series #4Onde histórias criam vida. Descubra agora