CHAPTER EIGHTEEN [ Sean ]

295 7 0
                                    

Chapter Eighteen [ Sean ]

Halos wala pa akong isang oras rito sa bahay mila Meredith, pero parang gusto ko nang umuwi. She's flirting with me, obviously. But she's doing it using her angelic face. Parang sa aming dalawa ay siya itong nanunuyo sa akin at ako naman itong tanggi nang tanggi.

Kaysa naman magpadala ako sa tukso!

While I'm studying, hindi ko maiwasan ang tingnan tingnan siya kada minuto. She's also studying, but she looks bored. Pareho kaming tahimik at tanging ang tunog lamang ng kaniyang air-con ang naririnig namin.

Sa tuwing may hindi siya naiintindihan, tinatanong niya sa akin at ituturo ko naman na parang normal lang. Bakit Ocean? Ano ba dapat? Normal lang naman talaga, ah.

I lick my lower lip. Mula sa kaniyang mukha, bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan. Well not exactly at her body, sa kaniyang tagiliran. Napansin kong maluwag ang suot niyang damit at hindi na hospital gown.

And because of that, biglang pumasok sa isip ko ang kaniyang kondisyon. She's injured and I never saw some maids or nurse to check on her. Kahit noong pagpasok ko ay wala akong nakita. Paano iyong sinabi ng doctor na lapatan ng yelo ang kaniyang tagiliran? And the warm compress above her chest too kapag hindi na raw iyon namamaga?

Naibaba ko ang highlighter at tinanggal na rin ang salamin sa mata.

Dahil doon, napatingin siya sa akin. Nakataas ang isang kilay pero tahimik lang at hindi nagsasalita. I've decided to speak dahil walang mangyayari sa amin kung magtiti-tigan lang kami.

“Where's your nurse?” seryosong tanong ko. Hindi ko nagugustuhan ang lagay niya rito. First, her father is not in here. Noong hinatid rin namin siya rito ay wala siya dahil nasa trabaho raw. He's so busy, samantalang kapag gustong magwala nagagawa. Second, there's no nurse or even maid na nagtitiyaga sa paglapat ng yelo sa kaniya. Paano gagaling kaagad 'yan?! His father could have at least hired a private nurse for her!

“I don't have one, and I don't need one.” she said.

Napapikit ako. I... don't know but...I felt frustrated. I'm mad for an unknown reason. Wala nga bang rason? I sigh.

Imbes na magsalita at makipagtalo sa kaniya tungkol roon, tumayo nalang ako at tinabi ang mga gamit. She slam her book closed, nagtaka ako room kaya kaagad akong napatingin sa kaniya. “What do you think you're doing? You can't just leave me like that!” halos pagsigaw na aniya.

Napakamot ako sa aking pisnge. Ano ba'ng sinasabi nitong isang 'to? Hindi pa naman ako aalis.

Salubong ang kaniyang kilay habang nakatingin siya sa akin. She's weird, yes, but she's so damn cute.

I scoffed and look away. Hindi ko siya pinansin at diretsong umalis sa kaniyang kuwarto. I did not take any of my belongings with me, sana naman makuha niya na hindi pa ako aalis.

Umalis ako roon upang hanapin iyong mayordoma yata nila. Kailangan kong magpa-alam muna sa kaniya bago gawin ang gusto ko. Mamaya niyan, mapagalitan pa ako kapag gumalaw ako ng mga gamit rito.

I need to get a warm thing to place it above her chest. Bulsa de yelo nalang siguro, kung mayroon sila. Hindi naman nagtagal at nakita ko kaagad iyong katulong kanina. I politely asked her para sa mga ka-kailangan-in kong mga gamit. Noong una, akala ko ay hindi siya payag dahil parang ayaw naman niya along pansinin. Kaya nang umalis siya, napakamot nalang ako sa aking pisnge at hindi alam kung ano ang gagawin. Pero pamaya-maya lang, bumabalik na ito at dala-dala ang sinabi ko.

Gulat man pero kaagad akong nagpasalamat sa kaniya. Pero tulad ng sa kanina ay hindi ito nagsaita, she didn't even bother nod her head at me or what. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip. Walang ka emo-emosyon ang mga tao rito, kahit iyong ibang maids na nakikita ko ay parang mga robot.

Taste of Two Lips Rivera Series #4Where stories live. Discover now