CHAPTER FORTY-ONE [ Kianna ]

202 7 0
                                    

Chapter Forty-One [ Kianna ]

It's been what? Ah, one week. It's been one week after that whole disaster event. In that one week, pinakalma na muna namin lahat ang aming mga sarili. May mga nagpatingin sa psychiatrist para masigurong maayos lang, I am one of them, yes.

So far, wala namang nakitang mali sa akin. Si Meredith, siya ang inaalala ko.

"Huh? Eh?"

"Anong 'huh?' 'eh?', hindi ba sinabi sa'yo ni Blu?" si Mama, habang kumakain ng kaniyang butong pakwan na kanina pa niya hinihimay o kinukutkot.

"Wala naman pong sinasabi-"

"Akala ko ba jowa ka na niya, hindi ba dapat sinasabihan ang jowa? Baka hindi ka na mahal, kaya hindi ka rin kasama." walang preno ang bibig na sabi ni Mama. Mas lalo akong naguluhan sa katagang 'jowa'. Lalo na nang maramdaman ko na kaagad ang titig ng aking ama.

"I-it's not like that, Mama! Hindi ko talaga alam na may outing na magaganap. Walang namang sinasabi sa akin si Blu..."

"Saka isa pa...paano niyo naman po ba nalaman 'yan? Baka mamaya niyan, wala naman po talagang balak na tayo ay imbitahin at baka family outing iyon." ani ko, umupo ako sa sofa sa aming sala at tiningnan ang aking cellphone.

Binuksan ko ang conversation namin ni Blu, wala namang bagong notification...

"Family, family, so hindi ka nga belong?" she laughed after saying that. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinasabi niya.

Obviously, hindi naman po ako pamilya. Kayo ang pamilya ko.

"Akala ko kapag girlprend family na." sabi pa niya habang ngumunguya. Patuloy lamang ang kaniyang pang-aasar, habang ako ay tiningnan naman ang conversation namin ni Ocean.

Nothing, wala rin.

Ano ba kasing outing? Baka naman gumagawa lang ng kuwento si Mama.

"Ate! Ate! Nandiyan si pogi sa labas." kaagad akong napalingon sa aming kasambahay na halos magtatakbo na sa aming harapan. Kumunot ang noo namin ni Mama habang nakatingin rito, pagkatapos ay kami naman ang nagkatinginan.

"I'll go check it." napatayo kaagad ako nang marinig iyon na sinabi ni Papa. I mean, I got this feeling that this 'pogi' is Blu.

"Teka, sama ako." si Mama pagkatapos ay lumapit na kaagad kay Papa. Papa sigh and just make his way to our front door. Kasunod nila akong dalawa, kaya naman noong una ay hindi ko pa tanaw kung sino ang tao.

"Yo, Kianna."

My eyes widened and my lips parted a little. "H-hi! Anong ginagawa niyo rito?" naguguluhang tanong ko sa tatlong tao na nakatayo sa harapan ng aming bahay. Kaagad akong lumapit sa kanila.

"Love!"

Napalingon ako kay Blu. Lalapit na rin sana ito sa akin at akmang papalupot na kaagad sa katawan ko, pero kaagad siyang pinigilan ni Ocean.

"Stop that, Benj Liam. Respeto sa magulang." si Ocean habang may suot na seryosong ngiti. Blu just rolled his eyes at his twin and stay on his place.

"Hello po." bati ng nakatatandang kambal sa aking mga magulang. Pagkatapos ay saka nito ipinalupot ang kaniyang kanang braso sa katawan ni Meredith. Watching that action, makes my face heat a bit.

But at the same time, I can feel this happiness inside me for my bestfriend. Oo, noon ay gusto ko siya, pero maraming nangyari at biglang isang araw, nawala ang nararamdaman kong iyon para sa kaniya. Pero kasabay naman no'n ang kakaibang pakiramdam tungo sa kaniyang kakambal.

Taste of Two Lips Rivera Series #4Where stories live. Discover now