CHAPTER TWENTY-FIVE [ Blu ]

237 7 0
                                    

Chapter Twenty-Five [ Blu ]

Tapos na ang university at kasalukuyan ko ngayong inilalakad patungo sa sasakyan ng kaniyang mga bodyguards si Jane. Gusto kong masiguro na maayos siyang makakauwi, kaya naman napagdesisyonan ko rin na sundan sila mamaya kapag umaandar na ang kanilang kotse. Pero hindi ko sasabihin sa kanila. Hihi.

Huminto kami sa tapat ng itim na sasakyan, I was about to open the door for her in the backseat when she suddenly bow her head towards her bodyguards.

Nagulat ako maging ang mga bodyguards dahil sa ginawa niyang iyon. Ang dalawa ay napaatras pa at sinimulan nang pagpawisan, na animo'y takot na takot sa kung sino.

“Pasensiya na po kayong dalawa! Pero gusto ko po sanang sumabay ngayon papauwi kay Blu!” she said, full of determination in her voice. My mouth gap open, at dahil hindi talaga ako makapaniwala sa katotohanang sinabi niya iyon, wala sa sarili kong natakpan ang aking bibig.

Tumalikod ako sa kanila at mariing pumikit.

Grabe na 'to, kakaiba na 'tong nararamdaman ko Jane. Grabe ka na sa akin.

She wants to be with me.

She said it, not just infront of me but to her bodyguards also! Damn! Parang gusto kong magdiwang sa saya.

Pero nakakapagtaka lang, bakit bigla yatang nag iba ang ihip ng hangin at pinili akong samahan ni Jane ngayon.

“Uh, Mr. Rivera?”

Napaayos ako ng tayo nang marinig iyon mula sa isa sa mga bodyguards. I cleared my throat and face the three of them. My face is calm compared to what I am currently feeling right now.

I don't want them to notice that I am suffering with the butterflies inside my stomach.

I look at him and waited for his words. “Ayos lang po ba?” tanong niya. I purse my lips and look at Jane who is now looking at me with a questioning look.

Ibinulsa ko ang dalawang kamay at hinarap ng maigi si Jane. “Ikaw? Talaga bang ayos lang sa'yo na sa akin ka sumama at hindi sa kanila?” tanong ko kay Jane.

Sa totoo lang, kanina pa ako kating kati na hitakin itong si Jane papunta sa aking sasakyan. Pero baka isipin niyang masyado ako sabik kapag ginawa ko iyon.

So I thought that it is better if I acted like I am not really interested at all. Para naman hindi masyadong halata 'no.

Jane bit her lower lip and scratch the back of her head. “Oo naman at kung pwede lang rin naman, pero kung hindi ka pwede—”

“Alright. Let's go!” hindi ko na pinatapos ang kaniyang mga salita at kaagad na hinawakan ang kaniyang kamay.

Tumingin ako ng seryoso sa dalawang bodyguards. “Just tail us behind, mas mabuti nang handa. If ever man na may mapansin ka 'yong kakaiba sa paligid, take Jane with you and go ahead.”

Hindi ko na sila hinintay na makapag sang-ayon dahil dali-dali akong naglakad na patungo sa aking sasakyan, kasama si Jane.

This is a chance. Dahil sa pangyayaring habulan na 'yon, madalang nalang kaming nagkakasama ni Jane. It is my Lolo's order, and I will admit that I can't do anything about it. Dahil kapag sinabi niya, kailangan mong sundin.

Nawala ang iniisip ko nang biglang bawiin ni Jane ang kaniyang kamay mula sa akin. Napataas ang kilay ko, tumingin ako sa kaniya para sana tanungin kung bakit niya ginawa iyon pero naunahan niya ako sa pagsasalita.

“Ano naman ang ibig mong sabihin sa kanina?” kunot noong tanong ni Jane. Kumunot din ang noo ko dahil hindi ko gaanong naiintindihan ang kaniyang pinupunto.

Taste of Two Lips Rivera Series #4Where stories live. Discover now