CHAPTER THIRTEEN [ Blu ]

270 7 0
                                    

Chapter Thirteen [ Blu ]

I am on my way to Red's room. Narinig ko na gising na ito and as her friend, dapat lang naman siguro na puntahan ko siya at kumustahin.

Tanaw ko na mula sa kinatatayuan ko ang pintuan ng kaniyang kuwarto, pero ganoon na lamang ang naging paghinto ko nang makitang papalabas ro'n si Sean.

Oh, of course,

I smirk to myself and continued from walking.

Nagkasalubong ang aming mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay at inilingan niya lang ako saka namin nilagpasan ang isa't isa.

Nice, his acting skills are doing good. But as his twin, he can't hide something from me. I know when he's in pain, I know when he's nervous, I can feel if he's angry or sad, and I can see if he's happy. We're twins and we're connected.

I was about to open the door of her room nang maiwan iyong nakalapat sa door handle dahil sa biglaang pagsasalita ni Sean.  I hide my smirk bago ako lumingon sa kaniya.

“Kakatapos niya lang kumain,” he said. Kumunot ang noo ko, hindi naiintindihan ang gusto nitong iparating. I crossed my arms and leaned my back on Red's door. Ang mga kamay naman niya ay nanatiling nakapasok sa loob ng bulsa.

“And your point is?” tanong ko.

He sigh. “She's probably sleeping by now dahil sa ininom niyang gamot. And I think it is better if you just leave her alone...for now.” he said while directly looking to my eyes.

“It's alright. I-che-check ko lang naman siya, it's not like I'll wake her up or—”

“Bahala ka,”

Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay tinalikuran na ako. Napaawang ang labi ko at napaayos ako ng tayo. Grabe, hindi manlang pinatapos ang sinasabi ko.

Pero ganoon pa man, I'm happy. He already found his...you know and wala na akong kaagaw kay Jane.

Once I opened her door, silence great me and a half laying Red turn her head to my direction. Pinagmasdan ko ito at binigyan ng isang mapaglarong ngiti.

She rolled her eyes and yawned. Mukhang tama nga ang sinabi ni Sean at inaantok na nga ang isang ito.

“Yosi?” mapaglarong alok ko kahit na wala naman akong dala ngayon. I remember when I first saw her. Naninigarilyo siya no'n na animo'y wala siyang pake sa kung ano ang sasabihin ng iba sa kaniya kapag nakita siya.

She smirked at me. Naupo ako sa vanity chair na naroon at ipinagkrus ang aking mga binti. “Kumusta kayo ng kakambal ko? May progress na ba?” nang-aasar kong tanong.

She stared at the ceiling habang naniningkit pa lalo ang kaniyang mga mata. “Your mother...” sabi niya sa malamig na boses. Let's just say, her normal voice.

I hummed when she mentioned our mothe, indicating for her to continue her sentences. “She thought that I am Ocean's girlfriend.” napaahon ako mula sa pagkakasandal sa kinauupuan ko nang sabihin niya iyon.

“Oh? Sinabi sa'yo ni Mama? Nagtanong siya?” sunod sunod na tanong ko rito. Sabagay, si Sean naman kasi ay hindi itinanggi ang tungkol sa pagiging girlfriend kuno ni Red. I smirk.

Hindi siya kumibo hangang sa magsalita muli ako. “Siguro inabuso mo 'no? Ang daya! You are such a cheater!” akusa ko at ngumiti lamang siya ng tipid.

See? I am right! I gave her an annoyed look. Oo at pareho lang kaming nang abuso ng pagkakataon, pero mas sobrang iyong kaniya! But anyway, I'm doing this for Jane, hindi naman sa kaniya o kahit kanino.

Taste of Two Lips Rivera Series #4Where stories live. Discover now