CHAPTER THIRTY-ONE [ Kianna ]

206 5 0
                                    

Chapter Thirty-One [ Kianna ]

“Kianna!” huminto ako sa aking paglalakad upang matanaw kung sino ang sumigaw sa pangalan ko. ”Hmm?” naramdaman ko ang bahagyang pag-init ng mga pisnge ko nang makilala ito, pero ngumiti naman ako sa kaniya pabalik. “Ocean!” masaya akong kumaway sa kaniya at halos takbuhin pa ang distansiya sa pagitan naming dalawa.

Lumapit ako kay Ocean at tinitigan ang gwapong gwapo nitong mukha. Maayos ang pananamit, kumpleto ang suot na uniform at kahit na may ilang librong dala ay hindi nakakasakit ng mata.

I was about to greet him a good morning, pero may nahagip ang mata ko sa likuran namin. Biglang nawala ang kaninang ngiti ko at napatingin nalang sa naglalakad na si Blu.

Malamig ang kaniyang titig at kumpara sa ayos ni Sean, siya naman ay parang kinulang sa oras para magbutones ng polo. His cold stare remained at me at sa hindi malamang dahilan ganoon rin ako sa kaniya.

Natigil lamang iyon nang irapan ako nito at walang ano-ano kaming nilagpasan ni Ocean.

I knew it, sana pala ay hindi na ako nag-abalang tingnan pa ito.

“First year high school ka na. Kinakabahan ka ba?” nakangiting tanong niya. Nabalik ako sa ulirat at napabuntong hininga muna, bago inilibot ang paningin sa loob ng iskuwelahan.

Ito ang unang araw na tatahakin ko ang buhay high school. Pinili ko talagang mag-aral kung saan pumapasok si Ocean. Mula noong elementarya kasi ay siya na ang lagi kong kasama, kaya naman noong nag graduate na siya lungkot na lungkot ako. 

“Hmm, oo, bago eh. Pero nandito ka naman na, kaya hindi na ako kinakabahan!” lakas loob na sabi ko at ngumiti sa kaniya. He returned my smile with his warm ones and I can't help myself but to blush at the sight.

Kinurot niya ang pisnge ko at inakbayan ako. “Yes, let's go. We don't want you to be late on your first day.” I smiled and we walk our way to my classroom.

Pagkatapos niya akong ihatid sa aking classroom, buong akala ko ay aalis na siya nang makarating kami sa tapat ng pintuan. Pero laking gulat ko nang pumasok rin siya at siya pa ang pumili ng aking uupuan.

Nasa bandang gitna ako, I was confused about it, dahil kung ako ang papapiliin gusto ko sana doon nalang sa may pangalawa sa harapan dahil medyo may kaliitan ang height ko.

Tinanong ko siya at sinagot naman niya ako. “This is my seat.” nakangiting tanong niya sa akin at habang nakatingin ako sa kaniya, kitang kita ko na masaya siya sa naging desisyon niya.

Kaya ngumiti nalang rin ako at pumayag. Hindi ko yata kayang sirain ang ngiting iyon, kahit na maliit na bagay para sa akin ay sapat na.



Nang matapos naman ang pang-umagang klase, hindi ko na kailangan pang mangamba kung paano makakapunta sa canteen. Dahil hindi pa yata tumutunog ang bell namin, nakaabang na si Ocean sa may gilid ng pintuan.

Sinabi ko sa kaniya na hindi na niya kailangan gawin iyon, pero ang sabi niya ayos lang dahil mas maaga daw kaysa sa amin ang kanilang labasan.

Habang papunta kami sa canteen, napansin ko ang bitbit niyang libro. “Uy, para saan 'yan?” tanong ko. He look at his book and look back to me. “Mag re-review ako, absent kasi ang teacher namin para sa panghapon na klase kaya iyong nauna naming teacher kanina ang magtuturo ulit sa amin. Pero dahil nakapagturo na daw siya kanina, may kaunting quiz daw kaming gagawin mamaya.” paliwanag niya.

“Eh? Pwede pala 'yon? First day tapos quiz na kaagad?” he just shrugged and grin at me. Maging siguro siya ay hindi iyon inaasahan.

Pumila kami para maka order, pero nang makapili kami ng uupuan, hindi ko nakitang may bitbit siyang pagkain para sa kaniya at tubig lang ang dala-dala.

Taste of Two Lips Rivera Series #4Where stories live. Discover now