CHAPTER FIVE [ Blu ]

354 10 0
                                    

Chapter Five [ Blu ]

Buong araw na lumilipad ang isip ko dahil sa ginawa ko kanina. Damn man, tama lang ba iyong ginawa kong pag-threatened sa kaniya? O masyado akong mabilis?

What? Mabilis? I don't think so. Ilang taon na akong may gusto sa kaniya, kaya hindi. Tama lang ito.

I sighed. Frustrated.

Nasa parking lot ako ng school ngayon. Nakasandal ako sa aking kotse dahil obviously, uwian na at may hinihintay lang ako...

Bakit parang ang tagal nila?

I take out my phone from my pocket. Tinitigan ko iyon habang nilalaro-laro ng aking daliri ang pang ibabang labi.

I want to text her. Just text...

Tangina. Ito na!



Ako:

Are you going home with Ocean?



Napabuntong hininga ako nang ma-i-send ko na iyon sa kaniya. Buong akala ko nga ay hindi siya mag re-reply, ngunit ganoon nalang ang tuwa ko nang marinig ang pagtunog nito.



Jane:

Oo.



My lips protrude a bit. Pinipigilan ang pagngiti sa kalagitnaan ng parking lot.

So cold, love.



Ako:

Hmm. Ingat. : (



Hindi ko alam kung bakit nilagyan ko pa ng ganoon sa dulo. Maybe I want to annoy her? Pero to be honest, nalulungkot talaga ako sa isipin na kay Ocean na naman siya.


Jane:

Ano'ng problema mo?!


I chuckled at her response. Galit agad?



Ako:

Wala naman. Gusto sana kitang ihatid, but my twin is with you so...



That's true. I know that my twin is inlove with her, matagal na. Sa amin, silang dalawa kaagad ang unang nagkalapit simula bata pa lang. Jane is a kind girl. Palaban, matalino at magalang. Bonus lang ang ganda, kaya sabihin niyo sa akin kung sino'ng tanga ang hindi mahuhulog sa kaniya?

It's not that I am torpe, sinasabi ko lang na sa aming dalawa ni Ocean, mas may karapatan siya sa oras ni Jane, the fact he is close with her more than me simula bata pa lang.

Sean's a good boy image, kaya natural lang na maging komportable ang mga babaeng tulad ni Jane around him.

And even if we are not that close like before, of course I still care for him. I love him. He's my twin, dapat lang. At alam kong ganoon rin siya sa akin.

Nagkakahiyaan na lang rin siguro dahil malalaki na kami.

Minsan nga kung ituring ako parang hindi kami magkasing tanda. Porque nauna siyang lumabas kaysa sa akin. Tss.

Kaya naman pasimple o patago ko lang pinopormahan si Jane. And honestly, I almost gave up when I saw them kissed.

Pero...

Noong isang gabi na inihatid ko siya...ang sabi ko, last na 'yon. I will stop bothering her and continue bedding women para sakaling makalimot ako.

Pero iyon nga, nakita ko ang epekto ko sa kaniya. I know that she has feelings for me. Siguro? Kahit konti.

At siguro ay pinipilit lang niya sa sarili niya na si Sean ang gusto niya because of a reason that I don't exactly know.

Taste of Two Lips Rivera Series #4Where stories live. Discover now