Chapter 9: Doomed

Start from the beginning
                                    

            “Hindi ah,” kontra ni Marky. “Hindi niya ‘to makikita. Wala naman siyang interes sa mga ganitong bagay so sige na. Please?”

            “Aya—”

            “Please po Teacher Nix! Picture po tayo!” Pakiusap na rin ng bata. Nag-alangan na tuloy siyang tumanggi.

            Picture lang naman... Isip niya sabay buntung hininga.

            “S-sige na nga.” Pagsuko na niya sa mag-ama.

            Napangiti nang malapad si Marky at finocus na ang camera sa kanila ni Alannah.

            Inakbayan naman ni Monic ang bata habang ang kabila niyang kamay ay may hawak na ilang bulaklak at regalo. Ngumiti siya at makalipas ang dalawa o  tatlong segundo ay nakuhanan na sila.

            “Salamat,” ani Marky.

            Pinanatili ni Monic ang simple niyang ngiti. “Welcome.”

            “Andyyy! Picture tayo!” Sigaw bigla ni Alannah sa kaklase niyang dumaan sa tabi nila kasama ang mga magulang. “Daddy!” Lumapit pa ito kay Marky at hinatak-hatak sa braso. “Picture po kami please!”

            “Sige na, Marky. Bye na ah.” Paalam na ni Monic. At sa pamamaalam niyang iyon ay may kakaibang relief siyang naramdaman sa loob-loob niya.

            Well, their classes were finally over and their students would be moving to different schools. Meaning, hindi na papasok sa kanila si Alannah at hindi na niya makikita pa si Marky.

            Mukha namang nagulat ang binata sa pamamaalam niya bago sumagot. “Bye...”

            At that, tumalikod na si Monic at nagbuntung hininga, bago naglakad palayo.

                                                            ***

AFTER THE EVENT, nagpunta si Monic sa isang restaurant kasama ang co-teacher niyang si Riz pati na ang ilan nilang higher-ups to eat lunch and to celebrate another successful school year.

            Nagkakasaya sila, nang bigla namang manlumo si Monic. Naalala niya, na kailangan na niyang maghanap ng malilipatan sa darating na linggo—malilipatan na magkakasya sa suweldo niya.

            Not only that. Dapat magkasya rin sa suweldo niya ang iba niyang pangangailangan—pagkain, toiletries, plus utility bills.

            Oh damn it.

            Kung wala lang siyang mga kasama, ginulo na niya ang buhok niya dahil sa sobrang stress.

            Ah, hindi! Kaya ko ‘to! Kaya, kaya, kaya!

            At idinaan na lang niya sa pag-inom ng isang shot ng alak ang pagpapalakas ng loob.

                                                            ***

“OKAY KA LANG, Teacher Nix?” Nag-aalalang tanong kay Monic ni Teacher Riz habang nakasakay sila ng taxi.

            “Uhh, oo. Medyo masakit lang ulo ko.” Sagot niya nang nakasandal sa backseat at takip-takip ng isang kamay ang mga mata.

            “Ayan kasi. Nasobrahan ka yata sa alak!”

            “Hindi ah. Kaunti lang ininom ko.” Totoo naman iyon. Mahina lang talaga ang alcohol tolerance niya.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now