Chapter Forty-four

76 4 0
                                    

Music for this chapter: Song of the North by BrunuhVille

Enjoy!

***

Bend

"Get up! On your feet, Sora!"

Umiindang nag-angat ako ng tingin kay Zeref na naglalakad-lakad sa harapan ko. Ang espada nito ay naglalaro sa mga kamay niya. Kagaya ko ay mabibigat na rin ang paghinga. Dumidilim na ang paningin ko sa kanya ngunit hindi pa kami tapos.

Hindi pa ako tapos.

My grip on my sword tightened. Itinaas ko ito at malakas na binaba sa luba. Ginamit ko ang talim nito sa pagtayo. Hindi pa ako tuluyang nakatayo ay binigo na ako ng mga tuhod. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at sumubok muli pero bumigay pa rin ang mga tuhod ko.

"Rise."

I took a glimpse at the white king who uttered one word. Kagaya ng mga nakalipas na araw, ay nakaobserba ito sa amin kasama ng mahiko nito at iba pang mga prinsipe't prinsesa sa tabi nito. Kahit ilan sa mga ravensiel na nakabantay lang sa itaas at labas ng mga pasilyo sa bulwagang ito ay napapatingin rin na may pagkawili at pagmamataas sa kanilang mga mata.

Their stares somewhat gave me strength. They are seeing their queen. The future queen of all kingdoms. Every palace will bend down to her sword. Their vasíllissa.

"You know you can do better than this, Sora. You have given me surprising fights before, remember?" Mahinang tawa ang narinig ko mula kay Reagan sa isang gilid na hula ko'y kampanteng nakatayo sa tabi ng hari.

Lahat sila ay nakalaban ko na ng paulit-ulit, pero si Zeref ang pinakanahihirapan akong harapin. Ang bawat pagtutuos namin ng prinsipeng ito ay hindi natatapos hangga't sa lumubog ang araw, minsan hindi na namin namamalayang umaabot na kami sa lalim ng gabi.

"Come on. I know you like our matches. On your feet!" Sigaw ni Zeref sa harapan ko.

Nanatili akong nakaluhod, muli komg tinitigan ang sarili ko sa talim ng espada bago pinasadahan ng mga mata ko ang mga paang naglalakad ni Zeref. Tagaktak ang pawis kong nag-intay ng ilan pang hakbang. Konti pa...

"I'm beginning to think she is already tired..." I heard Corvina's voice.

Sinagot naman ito ng isang tawa. "Sora? Tired? Nonsense, Corvina. Mas pipiliin kong mag-antay sa kanyang gagawin. Hindi na mabilang pagkakataong ito sa lahat ng pag-eensayong pinagdaanan niya," Her sister, Celestre said. "Hindi siya aalis sa labanang iyan nang hindi nahuhulog ang espada ni Zeref,"

"Yes, I know. I know that very well. Pero may iba pang bagay na naghihintay satin para sa araw na ito. We are set to fly to the old land of the fairies,"

"Manahimik nga kayong dalawa. Mahaba pa ang araw na ito. Mamaya na natin pag-usapan ang bagay mga ganitong bagay. For the gods' and goddesses' sake, we need a break. We have been continuously condemning kingdoms for months now," Sorin's warm voice interrupted them.

Rinig ko ang sabay na pag-ismid ng dalawang prinsesa. "Huwag mo ngang gamitin samin ang boses mong iyan. Ilang beses ka bang kailangan sabihin?"

"You sound like seducing us, Sorin. It's gross. At isa pa, alam naman nating hindi pamamahinga ang oras na ito. Kung ako ang tatanungin ay nais mo lang abangan ang babaeng ravensiel na dumaan rito--"

Isinantabi ko ang nakakarinding mga boses nila at patuloy na nagmamasid sa mga sapatos ni Zeref. Napangisi ako ng tuluyan na itong tumigil, ang kaliwa ay nakaapak sa harap at ang isa ay nasa likod. It will be harder for him, it will be perfect for me.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt