Chapter Fifteen

127 8 0
                                    

Eight

"Napakaganda mo, prinsesa." ani ng tagapagsilbi.

Ilang beses ko na bang narinig ang mga salitang iyon? Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Binaba ko ang suklay na hawak ko sa lamesa ng salamin ko. Katatapos ko lang mag-ayos para pagdiriwang ngayong gabi. Ako na mismo ang nagtiyagang nag-ayos at konting tagapagsilbi lang ang tinawag.

Simple lang ang pag-aayos na ginawa ko.

I don't need to be grand tonight. Wala akong may nakikitang halaga sa biglaang selebrasyon ngayong gabi sa aming bulwagan.

Isang pagbibigay alam ng kasal at koronasyon muli ang magaganap. Hindi lang sa buong Vedalli, kundi sa buong daigdig na sakop ng limang kaharian. Darating rin ang iba-iba pang mga hari't reyna. Mga maharlika. At ano mang uri ng mga nilalang na pinaunlakang dumalo.

Nagawa na ang selebrasyon na ito bago ang naudlok na kasalan, ngayon ay magaganap na naman muli. Sino pa ba ang may nais? Ang prinsipeng hawak na kapangyarihan ay apoy.

Naanig ko ang nakalukot na mukha ni Adelaine sa likod na nakakatitig sakin sa salamin.

"Sigurado ka bang iyan lang ang magiging ayos mo? You are beautiful but surely, we can do better than that, Sora..."

Pinasadahan ko ng tingin ang ayos niya. She was more glamorous than me. Halatang nagpaayos talaga siya para sa pagpupulong ngayong gabi.

Adelaine was always been beautiful. Kagaya ko, ay ubod rin ng pag-iingat ang ginawa sa kanya simula pagkabata. Ang mga ina namin ay madalas magkasama sa paglilibot. Madalas siya dito sa Vedalli at madalas rin naman ako sa palasyo nila sa Hawthorne. Sa iba pang prinsipe't prinsesa ng limang kaharian, kami ang pinakamalapit sa isa't isa dahil wala na kaming mga kapatid pa.

Our difference, she had her ways to explore hidden things besides from being a princess. With her power, she can seek for the unseen without anyone else knowing. Kaya madami siyang alam. Lalo na sa mga kalokohan.

But that changes now.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Buntis si Reyna Adrianna?" Hindi ako sigurado sa balitang pinadala ng tagapagsilbi kaya sa kanya nalang ako mismo magbabase.

Halatang nagulat siya. Kumunot ang noo niya at nameywang sa salamin. Tumawa ako nang makuha na ang sagot sa reaksyon niya.

"How did you know? That was supposed to be our secret for now! Wala pang anunsyong nagaganap!" usal niya.

Tumawa lang ako at umiling sa kanya. Hindi ko masisisi ang mga tagapagsilbi pagdating sa pakikibalita lalong lalo na kapag sa loob sila ng palasyo naninilbihan at naglilibot. Maaasahan.

Umismid si Adelaine. "Yes. Mother's pregnant. Hindi ko na iyon naisip na mangyayari pa..." Kinigat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang ngiti. Nabigo siya at tumili pang nakatanaw sa itaas. Tinakpan niya ang baba niya sa tuwa.

I bet she never mentioned this to anyone until now. Kaya ganito nalang siya kasaya na sabihin sakin.

Ngumiti ako sa kanya sa salamin. "Masaya ako para sayo. Sana umilaw na sayo ang mga bituin."

Nagulat ako sa huling nasabi. Sinapo ko ang bibig ko at tinitigan siya. Parang wala naman iyon sa kanya at tumatango-tango lang din.

"Oo. Gusto kong... ang nilalang na nakatadhana para sakin ang papakasalan ko. Wala pang may napili si ama at ina para sakin, at sa tingin ko hindi pa sila makakapili dahil iyon nga, may paparating. Tiyak na matagal pa..." Nag-aasam ang mukha niya. "May oras pa akong makilala siya."

Pumuno pa lalo sa mga mata niya ang labis na saya at pagmimithi. I smiled at her. This is the face of every princess. Knowing they would have the time to hope before they would be locked with a crown and a kingdom.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Where stories live. Discover now