Chapter Sixty

132 8 0
                                    

This is the final chapter. Thank you so much for reading this far!

***

Beginning

Who would've thought in the first of the names of the five kingdoms, freeing the vampires will be the first legacy of its children?

"Stand your guard!"

Catastrophe. Maybe this is what I am also bringing. But what else is new in Astraea? This was never taken. Catastrophe was never gone. At somewhere or some part, there is always one. Gaano man ito kalaki o kaliit sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang, wala pa rin itong pinagkaiba. Patunay lang na patuloy itong nananatili sa mundong ito. Everyone of us here have grown to live with it.

What I'm bring... Or what I'm about to be just like Adrenyi said, ang sinabi niyang wala akong magiging pagkaiba sa panginoon niya sa pagdating ng araw. In another reflection of me, it's true.

Someday, I might become a slave to power just like any other king and queen. Hindi ko itatanggi iyon dahil posible ito. Posible dahil may kakayahan rin kaming mabuhay ng matagal. I might turn myself someone I feared to be, kaya ngayon pa lang itatanggi ko na ang inaakala kong tamang daan para sakin.

Mananatili paring isa sa mga napakalaking karangalan sakin ang italaga ng isang engkantada. I am honored to be named queen by Chloris. But unfortunately, I have to let go of this title sooner. It was not for me.

Kapag natapos ko na ang pagiging gintong dugo...

Nag-angat lahat ng mga mata sa lupa sa puting dragon. Lumapag ito sa unahan ng lahat at malakas na nagpakawala ng iyak sanhi na ikinatahimik ng mga alulong, sigaw, at marahas na pag-ulos ng mga pakpak. Huminto ang mga mabibigat at maingay na takbo ng mga kabayo sakay-sakay ang Ischyróteri. Pumaligid lahat sa dragon ni Zeref at nagtitigas na mga matang nakaangat ng tingin sa puting prinsipe.

Ang lima pang dragon ay lumapag sa bawat kalapit na burol o talampas na pinapaligiran rin ang lawak ng bilang, at hindi pa kabuoang naanig na linyada ng Ischyróteri. My sight can still reach hundreds of lights from their immeasurable numbers in farthest directions.

Lahat kaming pito ay tumatagaktak na ang pawis at hinihingal na dahil sa apoy. I already feel Adelaine, Celestre and Corvina exhausted. Hindi ko sila masisisi. Ito ang unang beses naming mga prinsesa humarap sa ganitong sitwasyon. Hindi na ito pagsasanay. Malayo na kami sa limang kahariang pinagmulan namin.

"This is the sight we don't see everyday..." Mahinang saad ni Celestre sa mga isipan namin.

"Kayo lang na mga prinsesa, Celestre. We had countless of these sights. But tonight. Tonight's going to be different..." Reagan answered.

"It is going to be different. The more reason why we have to fight differently too. This is our first fight together, for the beginning of countless more to come," Nagulat ako sa pagsasalita ni Sorin. He doesn't like to open his mind. "It's our turn now."

"Marami ang magtatangkang wasakin ang limang kaharian..."

"But we will be ruling them... just like how we witnessed Sora's reign. Alone, powerful, and beautiful..." Zeref muttered. Nakita ko ang pagsulyap ng mga nito sa likod ng puting dragon niya.

Tumayo siya. Nakakabinging mga alulong at sigawan ng pagsasamba ang namayani. Sabay-sabay dumagundong ang siklab ng mga dragon sa bawat kalayong bundok at nagbuga ng apoy sa langit. Kahit si Zysyss sa tabi namin ni Veron ay hindi rin nagpatalo ng himagsik nito kasabay ng mga nasa ibaba.

The rocks, trees, and soils are alive. The wind is in verge for chaos, the vampires circling the stars and the hidden moon, preparing.

Lumalabas na rin ang kapangyarihan naming pito sa tahimik na pamamaraan, at lingid sa kaalaman ng lahat.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon