Chapter Four

196 12 0
                                    

Night

Dinala ako ng mga ravensiel pabalik sa palasyo. Nakita nila akong mag-isa sa bukana ng gubat at hindi na nakita pa si Veron. Habang lumilipad pabalik ay bumagabag sa isipan ko ang kwintas kong nasa kanya.

Kukuhanin ko pa ba iyon? Higit na mas makapangyarihan ang mga bampira tuwing madilim at gabi. Pero hindi ko nalang pwede bastang hayaan ang kwintas ng aking ina. Nasa salinlahi namin iyon!

Kasalukuyan kaming pababa na malaking balkonahe ng pulang palasyo ng Vedalli. Batid kong may pinagkakaguluhan mula sa loob dahil sa pagkakawala ng atmospira roon.

"Nakita na namin ang mahal na prinsesa!" pagbabatid ng isang ravensiel sa unahan.

May isang ravensiel na nakabuhat sakin ng pambagong kasal habang binabaybay and ere. Marami ang nakasunod sa likuran at paligid namin.

Mabilis nagsilabasan ang mga tagapagsilbi, kawal at ang iba pang mga maharlika para salubongin ako. Mukhang dito dumiretso lahat ng mga dumalo.

Gusto kong matawa sa napansin ko. Hindi pamilyar sakin ang mga mukha ng mga nilalang na naririto, kakaunti lang ang namumukhaan ko. Ni hindi ko man lang kilala ang mga nilalang na dumalo sa sariling kasal.

Yumayapos na lumabas si Adrenyi mula sa loob. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Binigyang daan siya ng mga nilalang roon at napayuko ang mga kawal sa paglabas niya.

"Salamat," usal ko.

Tumapak ang mga paa ko sa sahig ng balkonahe. Umangat ang tingin ko sa iba pang mga ravensiel at isa-isang pinasalamatan sila.

Bago pa ako makatalikod ay may dumagan na saking mga braso. Nagulat ako nang yakapin ako ni Adrenyi.

"A-Adrenyi, h-hindi ako makahing--" Ramdam ko ang pag-iinit ng mga braso niya na senyales ng kapangyarihan niya.

Suminghap ang mga nilalang sa paligid namin at ngumiti-ngiti habang nakatitig samin.

"I'm so worried. Mabuti naman at ligtas ka, mahal ko." Saad niya habang kumakalas sakin.

Tinitigan ko siya nang may kunot-noo. Anong tawag niya sakin?

Ngumiti lang siya at pinagsaklop ang mga kamay namin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Napatitig ako sa hawak niya.

Umiling ako at hinayaan nalang siya.

"Sora!"

Tumatakbo papalabas si Adelaine. Hawak-hawak niya ang hibla ng mahabang kasuotan niya habang papalapit sakin. "Adelaine.."

Ngumiti ako at sinlubong siya ng yakap. Hindi ko siya nakita kanina. Kumalas siya at pinasadahan ako ng tingin.

Kumunot ang noo niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako. "Si ama?" tanong ko.

Nagsilapitan ang mga tagapagsilbi para pahiran ang katawan ko ng kung ano-ano. Tinaasan ko sila ng kamay at nginitian.

"Ayos lang po ako.." tugon ko.

Nakayukong nagsitanguan naman sila at lumayo.

Pinisil ni Adrenyi ang kamay ko. Humarap ako sa kanya. "What is it?" Naramdaman ko ang pagsisisi sa kanya.

"I'm so sorry. Hindi ko inaasahan aatake ang mga pesteng nilalang na iyon. Sinira nila ang kasal natin, sinira nila, Sora.." May bahid ng galit at pagkamuhi sa boses niya.

Mabilis na umiling ako. "Ang importante ay ligtas ang lahat, Adrenyi." kalmadong saad ko bago natigilan. Luminga-linga ako sa paligid. "My father?"

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon