Chapter Eighteen

111 7 0
                                    

Kwento ng Reyna

"Nasaan?"

Alam na agad ng tagapagsilbi kung sino ang tinutukoy ko. Bahagya siya munang yumuko sa kanyang pwesto bilang paggang.

"Nasa librarya po ang mahal na Haring Daniel, narito rin po kanyang kapatid," pormal nitong sagot.

"Anong oras ang alis ng mga hari't reyna sa palasyo?"

Natigilan siya ng ilang saglit sa pag-iisip. "A-Ang dinig ko, prinsesa, mula sa mga kawal ay pagkatapos po ng huling pagpupulong nila maya-maya lamang,"

Tumango ako bilang pasasalamat at babalik na sa paglalakad sana nang may mapansin akong kakaiba sa tagapagsilbi na naglilinis sa loob ng silid ng hari. Nakayuko lang siya at hinihintay ang aking pagtalikod.

"May mga ipinagbabawal sa palasyo. Alam mo iyon..." marahan kong usal. Napabuntong hininga ako sa bulong ng kapangyarihan ko sa emosyon niya.

"Bawal makipagrelasyon ang mga tagapagsilbi sa kawal,"

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at umangat ng tingin pero yumuko din pabalik. Mas bumaba na ang yuko niya.

"M-Mahal na prinsesa..." Nanlulumo niyang tawag. Pumukaw ang kaba at takot sa damdamin niya.

Maliit na ngiti ang iginawad ko. "Lahat ay maaaring mabuklod ng pag-ibig. Wala akong nakikitang masama sa nararamdaman mo, kaya ayos lang sakin. Huwag kang mag-aalala."

Nawala ang pag-aalala sa mukha ng tagapagsilbi at napalitan ng bahagyang pagkagulat. Dahan-dahan siyang umangat ng tingin sakin. Bakas sa mukha niya ang pagtatanong at halatang hindi niya inaasahan ang binanggit ko.

"P-Pero... hindi ba't kayo na mismo ang nagsabi. Bawal po ang tinatago ko--n-namin..."

Inalalayan ko na ang sariling damit handa sa paglalakad.

"Batas iyon ng palasyo, tagapagsilbi. Hindi lahat nasasaklaw ng batas na iyon. Lalong lalo na ang puso ng isang nilalang,"

Tumalikod na ako. Napansin ko pa ang pagkunot noo niya at napatungo ulit sa malalim na pag-iisip.

I started walking back, my mind focused to went to the place. I am planning to see the King Daniel and Zeref in the library today. Oras na sa pagtatanong ko sa hari. Sigurado akong may maibibigay siyang sagot. Hindi makasarili ang hari at kayang-kaya nitong salungatan ang iba kahit pa si Haring Lavislous.

The king has his benefits from the years of him hiding our secret. Ang tanging haring nakaaalam ng sikreto ng apat noon na kung tutuuisin ay pwedeng-pwede niyang ilantad. He has few of his glasses in turns before, I witnessed how he outsmarted the rest of the kings once. A part of me was sensing something about King Daniel. Something that has to do to me. Parang may alam pa siya bukod sa kung ano mang itinatago nila.

"M-Mahal na prinsesa!"

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ang yabag ng tagasilbi. Tumigil ako at lumingon sa kanya.

Bahagya siyang tumakbo para habulin ako.

"Gusto ko lang po m-malaman..." nahihiyang niyang sambit at tiniklop ang dalawang kamay. "P-Paano?"

Kinunotan ko siya ng noo at hinarap ulit siya ng maayos.

"Paano niyo po nagawang magsalita ng ganito? Sa buong buhay kong pagsisilbi rito sa palasyo, ngayon lang kita narinig na magsalita ng... kakaiba, mahal na prinsesa."

"Anong pagkakaiba?" tanong ko at pinanatiling marahan ang boses.

Nahuli ang paglunok niya at napabuntong hininga.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ