Chapter Eleven

122 7 0
                                    

Golden

"W-What?"

Walang bakas ng pagsisinungaling sa emosyon niya at hindi ko pa maiwasang mangamba. Kung nagsasabi nga siya ng totoo, isa itong malaking delubyo.

This is impossible. Hindi maaaring makalabas ang mga demonyo sa ilalim ng lupa kung walang tulong ni Lysandra. King Lavislous' sister, the ravensiel of shadows, the perisher of kingdoms.

Ang tanging ravensiel na walang pakpak sa mundong ito.

Lysandra... my sister's mother. Matagal ko ring kinalimutan ang kasakiman at mga digmaan na pinausbong ng babaeng iyon. Isa siya sa pinaka makapangyarihang may itim na kapangyarihan sa mundong ito. Ang matinding kalaban ng limang kaharian sa hawak nitong matinding kapangyarihan na sinumpa niya mismo sa sarili niya.

Natupok ng sariling kasakiman at galit sa mundong ito.

Ang babaeng minsan ring minahal ng ama ko.

"T-That's impossible... Lysandra's on King Rowan's temple. Walang kahit sino man ang makakalabas roon!" Natatakot na sambit ko.

Nagwala ang buong kapangyarihan ko. I can feel now the trees, the ground, the dust, the air. Lahat ay pinapadaluyan na ng kapangyarihan ko. I can feel everything.

Hinila ako ni Veron papalapit sa kanya at kinulong ako sa dalawang palad niya. Tinitigan niya ako ng mariin.

"Sora. Sora, I can feel your power... Fuck."

Umiling-iling ako sa palad niya. Hindi ito pwede.

Hindi maaaring lumabas ang mga demonyo. Magkakaroon sila ng pagkakataong maghiganti. Alam ba ng ama ko ang tungkol dito? Ito ang pinakamatinding kalaban nila. Hindi pwedeng malaya itong nakakalakad saan man. At sa paanong paraan sila nakakalabas?

"Sora, look at me. Hindi si Lysandra. It wasn't her. Please calm down... calm down, my love."

Gumapang ang palad niya sa pisngi ko. His thumb slightly brushed my lower lip.

"Calm down. You're controlling..."

Umihip ng malakas ang hangin. Narinig ko ang pagtunog ng mga natutulog na kahoy sa paggising ng kapangyarihan ko.

Lysandra. Siya ang pumatay sa ina ko limang taon na ang nakalipas...

Nagsimulang gumalaw ang lupang kinatatayuan ko. Napuno ng masasamang alaala ang isip ko.

Ang galit niya sa ina ko at sakin. Ang pangako niyang paghihiganti ay natupad niya matapos ang araw na bumalik ang trono at korona sa lima. Nawalan ng karapatan ang ina kong mabuhay ng matiwasay. She didn't saw the peace in Astraea. Pagkatapos ng lahat niyang ginawa para mapanatili ito habang wala pang tagapagmana...

"Sybella..."

Veron brushed his lips on mine. Bigla niyang sinakop ang labi ko at marahas akong hinalikan.

Nanlaki ang mata kong napamulat sa kanya. Agresibo ang bawat galaw ng mga labi niya sakin. Napaungol ako ng wala sa oras nang bahagya pa niyang kagatin ang ibabang labi ko.

"Forget it. Wala akong sinabi. Wala kang may narinig. Stop thinking about it and kiss me back." Matigas niyang utos. Mariin niya akong dinikit sa kahoy sa likuran ko.

Nanigas ang buong katawan ko sa pula niyang mga mata na nanatiling nakabukas at nakatitig sa mukha ko habang sinusunggaban ang bibig ko.

Hindi umaalis ang mga mata namin sa isa't isa.

Napasinghap ako. Nawala ang tunog ng mga kahoy at paggalaw ng lupa sa ginagawa niyang ito. I almost didn't notice my power. Lumutang bigla ang isip ko sa hangin dahil sa biglaang halik niya.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Where stories live. Discover now