Chapter Thirty-nine

64 5 0
                                    

Hi everyone! I'm sorry for not updating actively. I'm super busy with my modules huhu. I rarely have the time to open my laptop to write. I'm still adjusting my time pa din in the new normal. Kinakain na halos lahat ng pag-aaral (though di ko sure kung pag-aaral pa ba 'to) haha!

Hopefully, this December I get the chance to finally finish Golden Blood since we'll have our Christmas break soon. 11 chapters to go before Sora's reign will began :)

Thank you!

***

Engraved

My mother would never.

Nagsisinungaling ang engkantada mula sa nakatagong mundo. Kung mayroon mang isang nilalang na hinding-hindi sasang-ayon rito, ito yung ina ko. She can't let them. She doesn't let someone like the intruders mismatch fates.

Kaya hindi niya hahayaang mabigay ito sa mga kamay ko dahil higit na kinasusuklam niya sa lahat ay ang walang kasiguraduhang kapalaran. She couldn't let this...

The enchantress travelled her fingers to the blade of the sword without touching it. Totoo ngang naging isa rin siyang gintong dugo. She knew about the blade's sharpness. It can cut her skin off by just a shallow touch in a split second.

"Madamot sa kapangyarihan ang iyong ina..." Bulong niya. "Hindi na ako magugulat ko kung sa huli'y magiging katulad ka niya."

Napaigtad ako. "Sinasabi mo bang walang awa ang aking ina para lang sa trono?" I flustered. "I know my mother and she couldn't do this. Yes, she's... selfish, but she's a good queen. Lahat ng ginawa niya ay para sa Vedalli--"

"Hindi ka man lang ba nagtaka, prinsesa?" Pinutol niya ang mga salita ko.

Naging mariin ang pagtitig niya.

"Hinanda ka niya para sa bagay na ito,"

Napailing ako ng mapakla. "Anong paghahanda sa pamamalagi sa palasyo sa halos buong buhay ko? Anong paghahanda sa pag-iingat nila sak--"

Napasinghap ako at unti-unting pinasok ng kaliwanagan sa isang bagay. They prepared me for this, but it wasn't suppose to be just me...

"Pag-iingat..." Ulit ko na bulong nang lumabas sakin. "Ako ang magiging direksyon nila, ako ang iniingatang mapa nila. V-Veron was right... They were meant to use me..."

"Hindi, prinsesa. Balak ka nilang protektahan. Oo, ikaw ang magiging mapa nila pero sila ang susulong sa digmaan. Hindi para sa mga katulad mo ang paglalaban. They can't risk you. They can't risk the only golden blood left. They can't risk the first queen of the new era to fall. Kaya labis kang iniingatan," maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Ikaw ang unang pagbabago."

"At ang iyong ina, ang unang nag-alay ng buhay para mailigtas ka. Madamot ang iyong ina, Sora. Madamot sa mga bagay na matagal na iniingatan niya,"

Lumandas ang mga mata niya sa ulo hanggang paa ko.

"Pero ano itong nasa harapan ko ngayon? You became a rebel."

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Where stories live. Discover now