Chapter Thirty-four

82 6 0
                                    

Deacon

"Maligayang pagdating sa kaharian ng puting hari!"

Bumuhos ang mga puting bulaklak sa harapan ko. May isang direkta pang tumama sa mukha ko sa pagsaboy ng tagapagbati at ng mga kasama nitong umaawit at sumasayaw sa labas ng matatayog na puting pader ng malapad na kaharian.

Tinakpan ko pa ng maiigi ang mukha ko at tipid na tumango sa nagsasayang mga tagapagsalubong. Someone pulled the scarf on my face to cover the strands of my hair on my cheeks. Lumingon ako  sa tabi ko at nakita ang naiinip nang mukha ni Veron na bahagyang natatabunan rin ng bandana niya. Tanging ang mapupula niyang mga mata ang nakikita--or at least how I see them. Ang sabi ni Selera ay may nilagay siyang sumpa sa katauhan niya.

Nagpatuloy ang mga nilalang na sa tingin ko'y mga batang diwata sa pagsasaboy ng puting bulaklak mula sa kanilang mga palad. Sa labas ng kaharian ay ang patag na mga lupain na konektado sa pinagmulan naming gubat sa malayo. Tinitigan ko ang bampira sa tabi ko at dumaing.

I didn't know Deacon was now like this. Welcoming.

Wala naman noon ang may bumabati na mga nilalang sa labas nito. My carriage on timeless counts came through here and it was never like this. Sa lahat ng limang kaharian, ang Deacon ang pinakatahimik noon.

Bumalik ang tingin ko sa mga nagsasaboy na nakapaa at bahagyang lumilipad-lipad na mga ordinaryong diwata. Kumunot ang noo ko. Since when did King Daniel welcome fairies in his kingdom?

"Isang taong lobo! Hello there--oh! Tahimik ang mga bagong panauhin, aking mga kapatid..." Isa sa kanila ang tumapak sa lupa at hinarang kami sa lagusan papasok.

Napahinto kami sa paglalakad. She mockingly looked at us while playing with her tangled hair.

Bumaba rin ang lima pang mga 'kapatid' nito. Isa-isa rin nila kaming pinasadahan ng tingin bago bumungisngis ng sabay-sabay.

"Uhm, estrangherong nakaitim. Maaari mo bang ibaba ang iyong talukbong? I can sense perfection in your aura..." Malambot na sa saad ng isa habang nakatitig sa tabi ko. I saw how she bit her lip, eyes blinking, and giggled with the others again.

Patago ko siyang sinilip. Patuloy ang paghagikgik ng mga ito na tila ba naaliw sa tanging katahimikan namin.

"Pests," usal ni Selera sa likuran ko. Nasa lalaking katawan na naman ang anyo niya. Isa siyang estranghero sa katauhan niyang ito ngayon.

"I sensed some of them are mated, and some are not. Hmm... Mga manlalakbay, maaari niyo bang sabihin samin ang inyong destinasyong tatahakin? You don't want to enter and get lost in Deacon. Malupit ang hari rito!" Umakto siyang parang natatakot at binulong ang huling kataga sabay baling sa paligid niya.

Ngumisi ang iba sa tabi niya at matinik ang mga matang tinitigan kami. Umiwas agad ako ng tingin, yumuko nalang ako at nanatiling walang kibo. Pasimple kong pinaikot ang espada ng korona sa kamay ko sa ilalim ng makapal na kasuotang pinasuot sakin ni Selera para sa sitwasyong ito. I started counting, silently stealing glances to Calum ang Selera who passed by me and stopped in front of the fairies.

"Wala na kayong pakialam roon, mga pasaway. Ngayon, umalis na kayo sa harapan namin. I hate immature fairies," asik ng lalaking boses niya.

Kahit ako ay gusto na ring umalis sila sa tinatahak naming daan. Nakakaabala sila sa plano namin sa pagpasok rito.

"Hindi mo ba ako narinig, estranghero? Malupit ang hari rito! Ganun rin ang mga mamamayan, walang emosyon ang mukha ng lahat at nakakatakot!" Sabay-sabay silang nanginig. Ang iba ay lumiit ang pigura at nagkaroon ng pumipintig na ilaw sa balat.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Where stories live. Discover now