Chapter Fifty-one

65 4 0
                                    

Set

Tanaw ko ang layo na pinangangatawan ng mga lehiyon ko, sa bintanang ito wala silang pinagkaiba sa isa't isa, no matter how different their forms are from each other and wherever they came from.

Nilubog ko ang kamay ko sa bukal ng tubig katabi ng isa sa mga bintana ng pinakamataas na silid ng templo. Tinitigan ko ang mga daliri ko sa malinaw na tubig. Naging sanhi ang kamay ko sa paggalaw ng maliliit na alon sa buong bukal, ngunit sa oras na nagpalabas ako ng kunting kapangyarihan roon ay tila huminto lahat ng daloy nito. Sa kailaliman ng bukal ay namukadkad ang gintong bulaklak.

"You can do it now without your blood, your majesty!" Masayang tugon ni Galene sa likod ko at pumalakpak.

Napangiti rin ako habang pinagmamasdan ang unti-unti na ngayong pagdami ng mga ito sa ilalim ng tubig. The whole fountain turned gold by the light of its reflection.

"It's the mark of a golden blood," saad ko at marahang inabot ang unang bulaklak. "Madalas akong kwentuhan ni Phileis tungkol sa kanila. He said they used to left hundreds of these flowers in places where they found, or left one sword. Palatandaan sa mga nilalang sa lugar na iyon na may isang gintong dugo nag-iwan ng bakas,"

I breathed. "It was either that the trail they left is a gift of peace within that place... or destruction."

Dumaing si Galene. Pumunta siya sa tabi ko at mas lalong nagliyab pa ang kulay ng ginto, hindi lang sa bukal kundi halos sa buong silid na dahil sa nagliliwanag na mga pakpak niya.

"M-Maaari ba akong magtanong, mahal na reyna?"

I nodded. "Go ahead,"

"Minsan ko nang narinig ang mga pinag-uusapan ng mga taong-lobo na matagal nang naririto bago pa sa amin. Totoo bang iba ang nakikita mo sa mga bituin ni Astraea?" Lito ang manghang tanong nito.

I nodded again. "I saw this," pinasadahan ko ng mga daliri ko ang bulaklak. "At ang pangwalo,"

Napatitig siya sa bulaklak. Manghang tumukod ang mga braso niya sa bukal para pagmasdan ng mas malapit iyon. "Ganito na ang nakikita mo simula noon, mahal na reyna?"

Ngumiti siya. "It's so beautiful. I have known every flower but, this... Naririnig ko lang ito sa mga punong diwata namin sa mga kwento, kaya sobrang saya ko, mahal na reyna. Dahil nandito ako ngayon. Napakalaking karangalan na pagsilbihan ka..." Umiling siya sa sobrang saya at umangat ng tingin sakin.

Binigyan ko na lang siya ng ngiti. I really don't know what to say when they pledge their loyalty to me. I don't entirely need it after all. I will give it back to them and to their kind once they are done fighting for themselves.

At nararamdaman ko na rin. Malapit na ito. Napakalapit na at pwede na akong magbilang ng oras.

"Hindi naman ganito ang nakikita ko noong bata pa ako. I'm not the kind of child who would look up to the stars and pray to them, or wish for something. Most of the time, I looked at the people from afar," bumaling ulit ako sa bintana. "Tatayo ako sa balkonahe ng ilang oras para pakiramdam ang bawat sulok ng kaharian, tapos ikukwento ko sa ina ko kapag may nararamdaman akong panganib..." Naibulong ko na.

I sighed. I just realized I wanted to go home. To Vedalli.

Kumunot ang noo niya. "Then... How did you saw it was like this flowet? Noong napasayo ba ang unang espada?"

"Nagising ang natutulog sa dugo noong mga oras na nagkaroon ako ng koneksyon mula sa mga bituin." The moment I was bonded.

Tumango-tango si Galene. Bumuntong hininga siya at sumandal sa palad nito habang nakatitig sa gintong bulaklak. Kumukurap-kurap ang mga ilaw sa paligid namin sa pakpak niya. "Mahal na reyna?" She spoke softly.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant