Chapter Fifty-six

79 7 0
                                    

His Wings

Veron used to run me away.

Papalayo sa kaharian ko, patungo sa liblib na lugar na tanging kami lang ang pwedeng maghari. Ito lang ang naging kagustuhan niyang pagtakbo. Ang takbo namin papalayo sa bawat paniniwala at tungkulin. Ang takbong minsan ko nag inakalang hindi kami mapapagod o babalik pa sa pinanggalingan.

Ngayon, tinakbo niya ako patungo sa pinakamabigat na tungkuling kailangan kong harapin.

Sila. Ang nakaraang kailangan nang hugutin mula sa nababahirang kasaysayan ng lahi nila.

Naisip ko nang hindi ako reyna. Hindi ako basta-bastang tatawagin sa pangalang iyon. Kailanma'y hindi ako narito para sa paghahari, o matagalang pamumuno ng ilang kaharian o lugar mang nasakop ko. It was never my intention to conquer. Queens' conquer, queens' claim what was never their's for a reason. Hence, I can't be called that way. I wasn't born for the throne.

Nandito ako para magbigay ng pag-asa sa bawat inosente at walang katapusang pinapahirapang mga nilalang sa ilalim ng kasakiman at kalupitan. Those who are suffering, screaming, fighting, yet no one bothered to hear their plea. Masyadong madaming hari't reyna ang nabulag sa kapayapaan, at pinagsamantalahan ito. Pinagsamantalahang maging mabulag ang kanilang mga mata sa kanilang matiwasay na paghahari, at hinayaang magdusa ang mga nilalang na pinagkaitan nila ng pag-asang magkaroon rin ng matiwasay na pamumuhay.

Their peaceful reign in their high thrones, their endless praises from their people caused them to do nothing. Because they don't want to ruin anything. They don't want their peace to be taken away from them. They have blinded themselves from the rest of the world.

Hindi nila alam na ang katahimikan nila, ay ang patuloy na kasawian pa rin ng iba.

How much more out there after this? Ilan pa pagtapos ng mga bampira, Ischyróteri, mga nilalang na nawalan ng mga kapangyarihan dahil sa umuusbong nang kadiliman?

How about the places beyond Astraea?

Hindi ko alam ang mga haharapin ko pa, pero sinisigurado kong isa-isa kong tititigan sa mukha ang mga mahaharap ko pa. Kapag nalampasan ko ito, malalampasan ko ang mga darating pa.

And for the Kings and Queens who turned a blind eye on the centuries past, their reign is over.

The time has come. My time has come. The conflagration of thrones is on the move. All of my army will soon travel the vast of Astraea. Magugunaw ang mga kaharian, at muling tatayo sa bagong pamamalakad.

Pero bago ang lahat ng iyon, kailangan ko munang humingi ng tawad. Sa walang katapusang pagkitil ng buhay ng mga nahuhuling bampira. Ang hindi malimutang krimen nila ay mananatiling krimen at hindi ito mababago. Pero hindi ibig sabihin nun na madadawit ang kabuoan ng kanilang panghabang-buhay sa mundong ito.

For their chance, for the future of their innocent children, for the future of mine.

Tahimik ang paligid. Hindi ko inakalang ang katahimikan ay magiging ganito kabagal at nakakalagim. Nararamdaman ko ang mga nakapanindig-balahibong mga titig nila. Tila kakaiba ang daloy ng hangin at antig ng lupa rito. Naanig ko rin ng bahagya ang kalangitan sa itaas. Walang mga bituin.

I hope this works... I hope what I have in mind will work.

Nakapirma lang ang mga mata ko sa dibdib ni Veron sa kanyang mahinang paglalakad. Naiyukom ko ang mga kamay ko sa nayuyupi ko nang kwelyong parte ng kasuotan niya, patuloy akong humuhugot ng lakas at pilit iniiwasan muna ang makakita pa ng isa... ng isa pang wala nang buhay na bampira sa lupa. Kahit ano pang hindi ko pagnanais na masilayan ito, alam kong haharapin ko rin ito mamaya.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Where stories live. Discover now