Chapter Fifty-seven

75 6 0
                                    

King

Pinalandas ko ang mga daliri ko sa magugulong mga hibla na ng buhok niya. Hindi naalis ang mga mata ko sa dalawang bagay na bahagyang gumagalaw sa likod niya. Sa noo'y tila mga bitak lang ng naputol na mga buto ay nagpakita ng tuluyan sa hindi ko inaasahang laki. Kulay ng mala-kristal na mga bato sa dalampasigan ang nakakalumay na titigan rito.

I felt his soft lips grazed down my neck to my shoulder. His firm on my body hardened. Humigpit pa lalo ang mga braso niyang pumupulupot sa katawan ko. Naramdaman ko rin ang mga kamay niya sa tuhod ko, dahan-dahang pumapaibaba.

I breathed in and settled my hands messing his hair while staring at them.

Hindi ko na napigilan ang kamay ko at inangat ulit para hawakan ang pakpak niya.

It was rough. The roughest wings I ever touched. There was nothing like it. Hindi ito katulad ng kay Phileis, o sa kaibigan kong si Vaia. Mas malaki ito, mas malapad at malakas. These wings disappeared centuries ago, it was born again under my reign. Higit na mas pinapatunayan lang nito sakin na marami pa akong babaguhin sa mundong ito.

Who would've thought vampires have wings in this time? For most, it was nothing more but an unwanted myth. All that was there to be known was their red eyes, cold skin, and fangs along with their dark capes. Drawn out from our own conclusion and history their lives were. Sinong mag-aakalang manunumbalik pa sila sa bukas na mundo sa ganitong uri ng anyo?

Most creatures would not know who they are.

"Nakuha ko na ba ang t-tiwala niyo?" Bulong kong tanong sa kanya.

Pinadausdos ko ang kamay ko sa isang bahagi ng pakpak niya. Parang kagaya ito ng sa mga dragon ngunit mas naaayon para sa kanilang katawan. They were still the largest ones I have seen, I almost felt like stroking a rock whenever I touch it. Their wings will be the strongest of all.

I can't wait to fly with him.

He sighed on my chest and lift his face to me. Agad to na namang natanaw ang mga perlas na ginto sa mga mata niya. Levinthes...

Napakagat-labi ako at umiwas nalang ng tingin. Simula kahapon nang magbago ang mga kulay nito, hindi ko na magawang hindi mapatitig ng matagal. They were irresistible. He's like caging me with his eyes. The true forms of the vampires were captivating.

"Tiwala? Sybella, you got their hearts. But, only you. They will remain raging to other kings and queens..." Sagot niyang puno ng seguridad.

Bumuntong hininga ako bago humiga ng mabuti sa tabi niya. Nasa kwarto niya kami ngayon sa kanilang lumang rito sa isla. Isa ito sa mga palasyo nilang winasak noon ng iba't ibang mga nilalang at rito na lamang ang natitirang nakatayo.

Nakikita ko na ngayon kung saan namamalagi ang mga bampira sa loob ng ilang daang taong nakalipas. They built covens in ruined and forgotten castles.

"Darling..." He suddenly brushed my face. His arm on my stomach pulled me even closer to him.

Napaangat ang katawan ko at napatitig sa kanya. He pulled me again. I noticed he wanted me to rest on his chest. I bit the insides of my lips and glance at his towering wings slightly moving on his bed and the part where I would be laying.

"Hindi niyo ba sila maitatago? Kagaya ng sa mga ravensiels at diwata. I remembered how my father does it..." Mapakla akong napangiti. "He used to argue with them. Pinagtatangkaan niya pa ngang alisin ang mga ito kapag hindi siya sinusunod."

He smiled before pulling me stronger this time. Tuluyan naman akong napahiga sa walang pang-itaas at mainit na niyang dibdib, nadaganan ko ang isang parte ng pakpak niya. I plan to immediately get up, sa pag-aakalang masaktan ko ang mga ito. Pero nagulat ako nang pumaitas ang dulo nito at walang pasabing yumapos ang mga ito sa likod ko.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora