Chapter Seventeen

121 4 0
                                    

Drop of Gold

"Again!"

Namayagpag ang sigaw ni Veron sa kalayuan. Binaba niya ang hawak niyang espada. Nanatili ang tingin niya sakin sa pagbagsak ng isang tuhod ko sa lupa.

Hirap naman akong tumayo ng matuwid. Hindi ko na kayang ayusin pa ang hawak sa espada kong sa gitna ng pangangalay ng aking kamay. I didn't expect this from Veron. Hindi ko alam na ganito pala siya kaseryoso pagdating sa pagtuturo ng pakikipaglaban.

"I said, stand up, darling. You're arching your back." Madiin niyang sambit.

Masama ko siyang tinignan bago inayos ang mga paa ko. Sinubukan kong hawakan ng mabuti ang espada pero nadulas lang ito sa kamay at nalaglag sa lupa ang matulis na bahagi.

I heard Veron clicked his tongue in disappointment.

Marahas umangat ang tingin ko sa kanya. "Veron! Ano ba? Hayaan mo muna akong magpahinga kahit ilang minuto lang. Paano ako makakaipon ulit ng lakas nito? Let me remind you, this was new to me..." Nabulong ko ang huling linya.

Iritado kong pinunasan ang dumi sa pisngi ko. Puno na ng dumi ang mahabang kasuotan ko. Kasisimula pa lang namin pero ito na agad ang inabot ko sa kanya. Paano ako matutong humawak ng espada nito? Palagi nalang akong bumabagsak sa simpleng mga ritmo pa lang sa pagsusunod ko sa galaw niya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at pagkalampag ng espada. Sa isang iglap, ay hawak-hawak na niya ang pisngi ko.

"I warned you before we start. Hindi madali ang gustong matutunan. Especially, you're a princess. Your body wasn't prepared for this, it wasn't fit for swords, Sora. You were too fragile.." Mahinahon niyang sambit habang marahang hinihimas ang mga namamaga kong daliri.

"H-Hindi ka ba galit? Alam mong isang kasalanan ang ginawa ko sa simpleng paghawak ng sandata..."

Kanina pa ako nahihiya habang tinuturuan niya ako. Me touching a weapon, or not but, I'm desiring to, was a sin. And he knows this, he knows this very well.

"No," Umangat ang mapupulang mga mata niya sakin. "With you, I was surprise, yes. But, this kind of rebellion in princesses wasn't new to me. Hindi ikaw unang prinsesa nagtangkang humawak ng sandata, Sora."

Dinala niya ang kamay ko sa labi niya. Tinitigan ko siyang hinalikan ang kanang kamay kong may bakas na ng paghahawak ng espada.

"They will be ashamed of me..." Malungkot na saad ko at bumuntong hininga. Umupo ako ng tuwid at tumango sa sarili para sa lakas ng loob.

"L-Let's start again?" alok ko at binawi ang kamay kong nasa labi niya. Tinignan ko ang espada ko sa lupa. The swords was his, I ask him for this last night.

Mabilis ang kaganapan kagabi. Pinaunlakan kami ng sayaw ni Adreyni bago siya magsalita sa harap. I didn't waste my time and let him do the announcement on his own. Isa sa mga kakahayan kong tinitingala ang pagsasalita pero hindi sa gabing iyon. Masyadong madami akong natuklasan sa enggrandeng bulwagan. Sa langit, sa angkan, at sa mismong sarili.

Besides, I'm not marrying Adrenyi. I'll find a way to get out from that. And I will build my own walls as Sora. As Sora who will slowly alter her own portray as a princess. As Sora who will have her decisions.

At kung kaya ko... susubukan ko ring bigyan kalayaan ang mga prinsesang katulad ko.

Balang-araw.

Sa ngayon, dahan-dahan ko munang ibubuklad ang sarili ko sa mga bagay na minsan ko ng inisip na kahit kailan ay hindi ko magagawa, kilalanin ang mga nakatagong katauhan ko, ang mga inukit ng mga nagpalaki sakin. At maghihintay ako sa oras na kaya ko nang salungatin lahat.

Golden Blood (Legend Of The Stars #2)Where stories live. Discover now