Pahina 25

17.1K 385 132
                                    

PAHINA 25

***

Nagising ako dahil sa silaw na kanina pang tumatama sa'kin. Pilit kong minulat ang mata ko.


I see black.



Everything is black.


Pinikit ko ulit ang mata dahil sa nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw. I blinked several time bago ako nakapag adjust sa liwanag.



Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto.



Wait, hindi pamilyar 'to.



Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa malabot na kama pero napaungol ako dahil sa sakit na nagmumula sa bandang tiyan ko.


Agad akong napabalik sa pagkakahiga dahil hindi ko nakayanan ang sakit.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang chadelier na nasa kesame.



Nasaan ba ako? Tiningnan ko ang paligid.



Nakakita ko agad ang larawan ni Ales na nasa may side table.


This is definitely Ales' room. Hindi ako pwedeng magkamali. Tsaka bakit ako nandito? Did he kidnapped me? Ano na namang bang balak niya?



Kinapa ko ang katawan ko at nakita kong nakasuot na lang ako ng malaking t-shirt na I'm sure na kay Ales.


Nilibot ko ulit ang mata ko sa paligid para hanapin si Ales, pero I was disappointed na wala man lang ibang tao sa loob ng kwarto kundi ako lang.



Pumikit ako ng mariin at inalala ang nangyari. Fuck that Rextor. Akala ko pa naman mabait siya. Peste, hindi ko na dapat siya pinayagang manligaw.



Arrggh... dahil sa desperado lang talaga akong makalimutan si Ales kaya nangyari ’to. Hindi dapat ako magpadaloy-daloy sa desisyon ko.



Kainis.


Napangiwi ako nang kumirot ang sakit sa bandang tiyan ko. Huminga ako ng malalim at naamoy ko agad ang pamilyar'ng amoy ni Ales.



Damn, I miss that old man.


Napatalon ako sa gulat nang marinig kong bumukas ang pinto at niluwa iyon si Ales na nakasuot ng v-neck cotton shirt at khaki short. Damn, bakat sa suot niya shirt ang maganda niyang katawan.


Kita ko rin ang tattoo niya sa braso na bihira ko lang makita dahil sa palagi siyang nakasuot ng long sleeve polo.


Arrrgh, wag mo siyang pagnasaan, Blue.



Wag kang magpapadali sa tukso.



Natigilan si Ales sa pagpasok nang magsalubong ang mga mata namin.



Natigilan muna siya ng ilang sandali at dali-dali niya akong nilapitan.




Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko nang umupo siya sa gilid ng kama at agad akong hinawakan sa kamay. He kissed it several times.


"Are you okay, baby? May masakit ba sayo?" malambing niyang bulong.



Nilapit niya ang ulo niya at hinalikan ako sa noo. Iniwas ko agad ang mukha ko.



Tiningnan ko lang siya sa mata at tinaguan bilang sagot. Parang may bumabara sa lalamunan ko. I'm speechless. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.


The Possessive Man's Girl Where stories live. Discover now