Pahina 36

10.6K 233 10
                                    

PAHINA 36

***

Nagising ako nang pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil may nakadagan sa aking mabigat na bagay.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at sinundan ang kamay na nakayakap sa akin. I looked back and saw Ales sleeping soundly.

Napangiti ako nang makita ko ang payapang mukha nito na mahimbing na natutulog habang nakayap sa akin ng mahigpit.

Humarap ako habang nakangiti dito. I touched his nose pero kumunot lang ang noo niya at lalong humigpit ang pagkakayap sa akin.

"Blue, baby..." he murmured in his sleep. I sighed at walang nagawa kundi yakapin ang ulo niya para ilapit sa dibdib ko. I kissed his forehead at sinuklay-suklay ang magulo niyang buhok. Sinandal ko ang pisngi ko sa ulo niya at muling nakatulog.

Alas nuebe na ako nagising at nanlumo ako nang hindi ko na nadatnan si Ales sa tabi ko. Napakagat ako ng labi nang maalala ko na kaarawan niya pala ngayon! Dapat pala bumangon na ako kanina para ipaghanda ito ng almusal.

Pampaganda man lang ng umaga ng kaarawan nito.

I sighed loudly at agad na tumayo sa kama. Inayos ko muna ang nagkagulong kumot sa kama bago ko tinungo ang banyo. Naligo ako at nagsipilyo.

Nagsuot lang ako ng simpleng white crop top na pinatungan ko ng denim jacket at legging. Sinuot ko din ang puti kong converse.

Nagsuklay ako at nag-apply ng kaunti lip balm sa labi. Natural namang mapupula ang labi ko. I check my reflection once more before exiting from the room.

Dahan-dahan akong naglakad sa kahabaan ng hallway upang hanapin ang hagdanan. Nilibot ko ng mabuti ang mata ko sa mga paintings na nakasabit sa bawat dingding.

Grabe... ang mamahal siguro ng mga ito.

Ang yaman talaga ni Tanda. Nang makababa ako ay nakita ko ang pagmamadali ng mga tauhan nila— na parang may darating na importanteng tao.


I bit my lip at huminto lang sa gilid ng hagdanan at nagtipa ng mensahe kay Ales. Pinagluruan ko ang cellphone habang hinihintay ang reply niya at pinanuod ko ang pagpapanic ng mga tao sa loob ng mansyon ni Ales. Maybe because kaarawan ngayon ni Ales. Muli kong sinulyapan ang cellphone ko at nalungkot nang hindi pa rin nag re-reply si Ales sa text ko.

Dati-rati tatawag pa ito kapag nagtetext ako. I sighed at isinawalang bahala nalang ito. Baka busy pa siya sa opisina niya? O baka naman naghahanda na din ito sa kaarawan niya ngayon.

Napangiti ako.

Tama, I should just suprise him. Para naman makabawi ako sa kanya. Ayoko namang maging masamang girlfriend.

"Uhm, excuse me.." pagkalabit ko sa isang katulong.


Napalingon ito at ngumit sa akin. "Ay, Good morning po, Miss Blue..." pagbati nito. Napailing ako dahil hindi ako sa pagtawag nito sa akin.

Napaka-pormal naman.

"Blue nalang po ang itawag niyo sa'kin." I smiled. Hindi naman ako nila boss para tratuhin na parang ako ang nagpapasweldo sa kanila.

"Sige, Blue. May kailangan ka ba hija?"

"Itatanong ko lang po sana kung ano po ang piano sa gaganapin sa kaarawan ni Ales?" Ngumiti ito sakin.

"Ang narinig ko lang e, darating daw ang magulang nila at simpleng salo-salo lang daw ang magaganap mamaya."

Huh. Ang simple naman pala nilang mag- celebrate ng birthday. Inaakala kong isang bong- gang birthday party ang magaganap sa isang hotel o di naman kaya sa isang malaking lugar. I guess, I never see this side of Ales.

The Possessive Man's Girl Where stories live. Discover now