Pahina 38

9.8K 210 32
                                    

PAHINA 38

***

"Opo, Auntie..." bumuntong hininga ako ng malalim habang pinapakinggan sa kabilang linya ang samu't saring paalala sa akin ni Auntie. Mag-iisang oras na yata akong nakikinig sa kanya.

Nalaman niya kasi na dalawa lang kami ni Carla ngayong gabi. Nag-aalala na naman siya baka daw kung anong mangyari sa aming dalawa. Parehas pa naman kaming babae ni Carla.

"Diyos ko naman, Blue... siguraduhin mong naka- lock ang gate, ang pinto, isarado mong mabuti ang mga bintana... maghanda ka lang ng pamalo diyan sa tabi niyo... diyos kong bata ka, hindi na naman ako makakatulog dahil sayo nito..."

Natawa ako dahil sa mahaba niyang pagsasalita. Halos ika-labing anim na niya 'ata itong sinasabi mula kanina.

Kahit kailan talaga napaka-paranoid ni Auntie pagdating sa akin. Bigla ko tuloy siyang na-miss.

Kinagat ko ang aking labi at sinilip si Carla na pinipilit labanan ang antok habang nananuod ng TV. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang halakhak na gusto kumawala sa akin. Nakakatawa kasi ang itsura ni Carla ngayon.


"Auntie naman, okay lang po talaga kami ni Carla ngayong gabi. May mga kapit-bahay naman po tayo sakaling may mangyari hindi maganda..."


Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Siguraduhin mo lang Blue ha? Naku talagang bata ka..."

"Auntie naman, hindi na ako bata. Kaya na namin dito ni Carla..." Napanguso ako dahil parang tinuturing niya akong bata. Parehas lang sila ni...

"Bakit hindi mo na lang papuntahin ang magaling mong boypren ha? Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" nai-imagine ko na ang pagtaas ng kilay niya habang sinabi niya ito.


Bumuntong hininga ulit ako ng malalim. Bumibi- gat na naman ang pakiramdam ko. Napakamot nalang ako sa noo dahil sa naging tanong niya.

"M-Maliit na away lang naman Auntie eh..." pagsisinungaling ko dito.

"Hay naku! O siya, kailangan ko nang magpahinga. Tawagan mo ako kapag may mangyaring hindi maganda dyan ha?" pagsisiguro ulit nito.

Napa-ikot ako ng mata dahil sa kakulitan ni Auntie. Paranoid talaga. Napaka-over protective talaha kahit kailan.

Napangisi nalang ako. "Promise po Auntie... sige na po. May pasok pa ako bukas kailangan ko pa pong mag-assignment. Good night po, I love you..."

Hindi ko na pinatapos ang susunod na sasabihin ni Auntie dahil mabilis ko nang pinutol ang tawag.

Huminga ako ng malalim at umiling.

Lumapit na ako sa kinahihigaan ni Carla na tuluyan nang nakatulog sa kapapanuod. Tumabi ako sa kanya at mabilis na kumuha at kumain ng chichiryang nakalapag sa tabi niya.

Napagdesisyonan kasi naming matulog ni Carla dito sa sala dahil natatakot raw siya sa kwarto ko. Minsan raw kasi may nakita siyang bulto sa bintana ko noong pumunta siya dito sa bahay. Ang sabi niya multo daw iyong nakita niya.


Natatakot na rin tuloy akong matulog sa kwarto ko dahil sa kwento niya.


Tinuon ko nalang ang buong atensyon ko panonood ng palabas sa TV. Tahimik at malamig na ang buong bahay. Kasabay rin ang pagiging tahimik sa labas, tanging tahol ng aso ng kapit-bahay namin lang ang naririnig ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Matatapos na lang ang dalawang oras na palabas sa TV ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok.

The Possessive Man's Girl Where stories live. Discover now