Pahina 14

17.7K 422 44
                                    

PAHINA 14

***


Natapos ang klase ko na si Ales ang laman ng isip ko. Wala ngang pumasok na bagong aral dahil occupied ito kay Ales. I'm bothered by him.


Tanong nang tanong naman ai Carla kung ano daw ang problema ko at kung bakit daw ako tulala. Sa ngayon hindi ko pa kayang magsumbong tungkol sa nangyayari ngayon.


Nadinig ko ang tunog sa cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa at binasa ang mensahe na mula kay Ales.


Wait for me outside your school. I'll be there in a few minutes. I just have to finish my last meeting.


Napabuntong hininga ako ng malalim nang mabasa ko ang text sa akin ni Ales. Umupo nalang ako sa may bench dito sa labas ng school.


Tiningnan ko ang paligid at nakita kong may mga lalaking nakatambay sa isang coffee shop sa tawid ng school namin.


Nasa siyam silang naka upo sa labas ng shop at nakasuot sila ng kulay blue na jersy. I think mga college na sila.



Nagtatawanan ang mga ito at malalakas ang boses nila. Buti at hindi sila sinasaway ng may-ari. Pinalobo ko ang pisngi ko at napatingin sa suot kong relo.


5:30 PM.



Asan na kaya siya? Kung pwede lang sanang umuwi na. Nakakabagot maghintay dito. Sabi ko naman kasi na magtra-tricyle nalang ako. E di sana nakauwi na ako ngayon. Kainis!


Napatingin ako sa gilid ko nang matanaw ko si Carla na masayang naglalakad papunta sa direksyon ko— but she's not alone.



"Blue!" narinig kong sigaw ni Carla.



Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakuha ni Carla ang atensyon ng mga taong dumadaan kasama na ang mga lalaking nakatambay sa coffee shop.


Carla, ilan bang kinakain mong mega phone araw-araw? Napakalakas kasi ng sigaw. Hindi naman ako bingi–well, soon na 'ata eh dahil sa kanya.



Napakagat ako ng labi at lumingon ako sa kanya. Nagtaka ako nang makita ko siyang may kasamang dalawang babae.


Huh? New friend?


"Hi, Blue!" masigla niyang bati ng makalapit na sila sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagtaka naman ako. She looks happy. Ano kayang nakain ng bestfriend ko?


"Carla, hinaan mo nga ang boses mo tingnan mo, oh pinagtitinginan ka na." saway ko sa kanya.


Umirap siya sakin at umupo sa tabi ko.



"Hmp! Pakialam ko sa kanila 'no." mataray niyang sagot sa'kin.


Inikutan ko lang siya ng mata. "Ewan ko sayo. Akala ko ba umuwi ka na?" tanong ko sa kanya.


Ngumisi siya ng malapad at tumingin sa dalawang kasama niya.


"Oo nga pala, best. Ito si Patricia at ito naman si Jeraldine. Say, Hi!" sabi niya na hindi man lang sinagot ang tanong ko.


Napatingin naman ako sa dalawang babae. Ano naman niya ang mga ito? Hindi ko alam na may iba pa siyang kaibigan bukod sa'kin. Maybe, ngayon lang niya nakilala?


"Hi." bati ko sa dalawa at tumingin kay Carla.

"Ano mo sila?" I whispered to her.


"Friends, kakilala." giddy niyang sagot.

Natigilan sila at biglang nagsitilian nang tumingin sila sa tawid. Itinuro pa ito.


The Possessive Man's Girl Where stories live. Discover now