Pahina 33

11.7K 270 18
                                    


PAHINA 33

***

Nanghihina akong lumabas ng kotse ni Ales pagkarating namin sa mansyon niya. Napabuga ako ng buntong hininga dahil sa pagod. Buti nalang at ito na huling JS Prom na dadaluhan ko.

Agad na lumapit sakin si Ales. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinalikan muna ako sa sentido. Hindi na siya nagsalita pa at iginaya niya ako papasok ng bahay niya.

Parehas lang kaming tahimik habang papasok. Alam naming parehas kaming pagod mula sa event. Bumukas ng pinto at biglang sumalubong ang dalawang katulong at binati nila kaming dalawa ni Ales.

Binigyan ko lang silang ng matipid na ngiti habang hindi man lang sinulyapan ni Ales ang dalawa. Tss. Snober naman nito sa mga empleyado niya.

Nakarating na kami sa sala at agad akong umupo para ipahinga ang namamaga kong paa dahil sa suot kong heels kanina.

"Baby, let's go upstairs. Dun ka na mgpahinga." malambing niyang salita.

Tumabi siya sakin at pinulupot ang kamay sa balikat ko.

"Sandali lang naman, ang sakit na ng paa ko eh." nakanguso kong sabi.

Napapikit ako ng halikan ni Ales ang noo ko.

"Okay baby. Come here.." bumuntong hininga siya at inabot ang paa ko at pinatong niya iyon sa lap niya.

Napangiti ako ng dahan-dahan niyang minasahe ang mga paa ko.

He's hands feels so rough pero I like it.

Parang bawat dampi ng kanyang kamay sa balat ko'y parang agad bumibilis ang tibok ng puso ko. Ganito ba talaga kapag may mahal ka. I feel happy and contented but I'm scared at the same time.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag iniwan ako ni Ales. Parang di ko kaya. Bahala na kung anong sabihin ng mga schoolmates ko sa Monday.

Alam kong magbabago na ang paningin nila sakin dahil sa nalaman nila kanina. But., the hell I care.

As long as akin si Ales, I'll ignore them.

I observed Ales at nakita ko ang seryoso niyang mukha habang focus siya sa pagmamasahe sa paa ko.

Napangiti ako sa itsura niya. "Hindi ka naman marunong mag masahe, eh." nakanguso kong sabi kay Ales.

I'll admit marunong naman talaga siya, gusto lang naman siyang lambingin eh.

Bumuntong hininga siya. "I'm sorry baby, I'm tired too., can we go upstairs?" malambing niyang sabi.


Napangiti ako sa loob loob ko. "Okay! Carry me!" I said childishly.

I know I'm childish but I just want to be in his arms right now. I just wanna be spoiled by him.

Ales smiled at me then tumayo. He kissed my forehead before lifting me, bride style. Hinalikan ko siya sa pisngi at isinandal ang ulo sa balikat niya.


"Tanda?" tawag ko.

"I told you not to call me that and what is it, baby?"

I giggled before kissing his cheeks again.

"Tumawag na ba si Auntie?"

"Hindi pa, baby? Why? Hindi pa ba tumatawag sayo ang Auntie mo?"

Umiling ako at natahimik. Humigpit ang pagkakahawak sa kanya.

Napaisip agad ako kung ano kayang
nangyayari kay Auntie? Sana naman okay lang siya kung nasaan man siya ngayon. At ano ang tinatago niya sakin?

The Possessive Man's Girl Where stories live. Discover now