Pahina 40

10.5K 214 37
                                    

PAHINA 40

***

Pagtapak ko ng school. Hindi ko napigilang mapansin ang mga tingin na ginagawad nila sa akin. I frowned at them at umiling. Imagination ko lang siguro.

Just to be sure. Kinapa ko ang mukha ko baka may dumi ba ang mukha ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tiningnan ang repleksyon ko. Pero wala naman eh. I sighed at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. Bakit sila ganun makatingin? Bakit ang sasama ng tingin nila sakin.

Nakarinig ako ng malakas na halakhak nang makarating ako sa hallway. Nakita ko si Jasmine, ang Vice President ng buong SBO na prenteng tumatawa kasama ang mga barkda nito.


Napakunot muli ang noo ko nang tumigil ito at tinuro ang direksyon ko. Umiwas nalang ako ng tingin at lalagpasan na lang sana sila. Pero napahinto ako nang bigla itong magsalita.

"Hi, Blue!"

Napalingon ako at nagulat nang batiin niya ako. Hindi ko alam ang sasabihin sunod dahil hindi naman ako sanay na binabati o pinapansin man lang ako nito. She hates me. So why greet now?

"Uhh-"

"Libre mo naman kami sa Starbucks. Narinig ko mayaman ka na daw. Di ba guys?"  pagbaling nito sa mga kabarkada na sinang-ayunan ng mga ito.

Naguguluhan ako. Anong sinasabi nila? Kelan pa ako naging mayaman? Nanalo ba ako sa lotto?

"Anong sinasabi mo, Jasmine? Direstuhin mo na ako. Male-late na ako sa klase." prangka ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at bumahid sa mukha nito ang pagkairita.

"Oh? Ang tapang mo na ah. Nagka sugar daddy ka lang ganyan ka na umasta."

Ano?

"Hindi kita maintindihan. At wala akong sugar daddy!"

Tumawa ito ng pagak at mahina akong tinulak sa balikat. "Oh yeah? Kalat na sa buong school ang pagiging gold digger mo! Nakakahiya ka naman, pinatulan mo pa talaga si Mr. Marquez. Talagang ginamit mo iyang ganda mo! Kala mo isa kang santa yun pala may tinatago ka ding kulo! Ew! Ganoon ka ba kadesperadang makaahon sa hirap?" Maarte nitong sambit.

"Hindi totoo 'yan! Wala kang alam! Tumahimik ka!" Mukha itong nagulat sa pagsigaw ko kaya napaatras ito ng kaunti.

She flipped her hair. "Bakit totoo naman ah! May nakakita sayo kanina na hinatid ka daw ni Mr. Marquez sa mamahalin niyang kotse. Totoo ngang may relasyon kayo, kalat na din sa media ang pagiging gold digger mo! Isa ka lang sa mga babae ni Mr. Marquez! liwan ka din niya! Kadiri ka!"


What? Kaya ba ganun nalang ang tingin ng mga school mates ko sakin? Is it because they thought isa akong gold digger dahil boyfriend ko si Ales? Ito ba yung sa JS Prom? Dahil lang doon?


Bago pa man ako makapagsalita ay bigla nalang ako nitong tinulak — buti nalang ay mabilis akong nakapag balance at hindi natumba. I glared at their direction at mahigpit na kinuyom ang kamao ko.

Grabe naman silang makapaghusga. Nasasaktan ako sa panhuhusga nila sa akin. Wala silang alam! Bwesit! Anong karapatan nilang tawagin akong gold digger?

Napaluha ako nang biglang maalala ang mga sinabi ni Alex sa akin noon. Tugma din ang mga sinabi niya kay Jasmine.

Ganoon ba ang tingin nila sa akin?


Hindi naman ako gold digger ah! Wala namam akong ginagawang masama. Hindi ko naman sinasadyang mahalin si Ales eh. Kalat na sa media? Bakit hindi ko iyon alam? Akala ko sobrang pribado ng relasyon namin ni Ales— he assured me.

The Possessive Man's Girl Where stories live. Discover now