Pahina 15

17.4K 394 32
                                    


PAHINA 15

***


Nagulat ako pati ang mga kasamahan ni Rextor kay Ales. Napatayo naman ako. Lahat kami ay napatulala kay Ales dahil marami itong kasamang body guard na nakasuot pa ng black suits.


"A-Ales." ang tanging na usal ko.
Sinulyapan lang ako ni Ales at muling tumitig ng masama sa katabi kong si Rextor.


"Sino ka?" tanong ni Rextor.



He smirked. "I'm her boyfriend." With confidence Ales said.



Sarkistong tumawa si Rextor at binalingan ako ng hindi makapaniwalang tingin na parang nakarinig siya ng hindi maganda. "Is it true Blue? Is he your b-boyfriend?" he asked.


"Boyfriend mo si Mr. Marquez, Blue?" exaggerated na sigaw ni Carla sakin.


Napalunok ako dahil nakatingin silang lahat sakin, hinihintay ang sagot ko.

Tumingin ako kay Ales at mas lalo akong nanliit dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin.

Good God.

"O-Oo." sabay sabay silang napasinghap sa naging sagot ko. At kita ko ang gulat nilang lahat.


Tiningnan ko si Carla and I saw disappoinment in her face. Sorry Carla, kung alam mo lang.



I mouthed 'I'm sorry' sa kanya at tumango siya na sinasabing naiintindihan niya at binigyan niya ako ng tingin na You-Better-Explain-Tomorrow look.

"See? Now, let's go, baby. You have some girlfriend duties to do." sabi niya at hinawakan ako sa pulsuhan.

Hinila niya ako pero napatigil siya ng bigla namang hablutin ni Rextor ang kabila kong kamay at hinablot naman ako pabalik.

Uh-oh.

"Pre, kita mo naman diba, hindi pa kami tapos." anggal ni Rextor.

Napangiwi ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Ales sakin at ganun din si Rextor sa kabila.

Diyos ko po! Andami ko na namang pasa nito. Ang sakit!


"Get.Your.Filthy.Hands.Off.Her." madiing utos ni Ales na handa nang sumugod kay Rextor. Madilim ang mukha niya na para bang sasabog na ito dahil sa galit.


Pero hindi pa rin natinag si Rextor at mas lalong ininis si Ales ng hilain niya ako.

"Rextor bitiwan mo na ako-aaaahh!" napatili ako ng biglang humandusay bigla si Rextor sa mesa.

Namilog ang mata ko at napatingin kay Ales na naka kuyom ang mga kamao habang matalim na nakatingin kay Rextor. Agad siyang sumugod at sunod sunod na sinuntok si Rextor.


"A-Ales!" sigaw ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig at patuloy na pinauulanan ng suntok si Rextor.



Hindi naman makaawat ang mga kaibigan niya dahil hawak sila ng mga body guards ni Ales.

"Ales! Ales tama na please!" sigaw ko at unti-unti ng tumulo ang luha ko.

"Ales! Tama na!" ulit ko. At tinangkang hawakan siya sa braso.


"Ales!" tawag ko.

"Fuck off!" sigaw niya at natumba ako ng tinulak niya ako ng malakas.


Para namang may tumusok sa dibdib ko dahil sa ginawa niyang pagtulak sakin ni Ales. Napangiwi ako sa sakit.

"Ales." mahina kong sambit.

The Possessive Man's Girl Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu