Pahina 37

9.8K 220 23
                                    

PAHINA 37

***

Nakuwi ako ng matiwasay sa bahay. Buti nalang at nakasakay ako agad ng taxi. Nangutang pa ako sa kapitbahay ko ng pamasahe dahil wala akong dalang pera. Biglaan lang ang pag-alis ko.

Now, hindi ko alam kung paano ko makukuha ang mga gamit ko sa bahay ni Ales. I still have my bag in there. Nadun pa naman ang mga books at homeworks ko.

Now, I'm scared and hopeless.

Nanatili ako sa loob ng bahay buong magdamag. Ni hindi ko na din pinansin ang malakas na paghampas ng gate namin dahil alam kong si Ales ang nasa labas nito.

Mabuti nalang at nakita ko ang susi ng bahay namin sa ilalim ng paso ng halaman namin at matagumpay akong nakapasok bago pa man ako maabutan ni Ales.

Pagdating ko sinigurado kong naka-lock ng mabuti ang gate at pinto ng bahay. Sinigurado ko din na nakasira ang mga bintana at pinatay ko ang mga ilaw sa sala.

lyak lang ako ng iyak aa buong gabi dahil sa nagawa ni Ales. Halos madaling a raw na akong nakatulog.

Napangwi ako sa sakit nang tumayo ako mula sa kama ko kinabukasan. Tutungo sana ako sa banyo para magligo dahil Lunes na ngayon.

It means may pasok na naman.

Bumuntong hininga ako ng malalim at nagsipilyo muna bago maligo. I stared at my reflection before taking all my clothes off... Ngunit napahinto ako nang may makita akong pasa sa gilid ng bewang ko. Halos maging kulay violet na ang kulay nito.

Kaya pala parang ang sakit ng bewang ko kapag tumatayo ako. Dahil siguro ito sa pagtulak sa akin ni Ales. Nabunggo kasi ako sa matulis na gilid ng mesa nila.

Iniling ko nalang ang ulo ko at nagsimula nang paliguan ang sarili.


Napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko nang marinig ko ang malakas na tunog ng cellphone ko. Kumunot ang noo ko at nilapitan ito upang tingnan kung sino ang tumatawag.

Si Auntie.

Nabuhayan ako ng loob at dali-daling sinagot ang tawag niya. Gosh, na-miss ko na siya ng sobra.

"Auntie!" masaya kong pagtawag sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawag nito mula sa kabilang linya. I pouted dahil alam kong tinatawanan niya ako.

"Naku, mukhang na-miss mo naman ako ng sobra ano, Blue?" pagtutukso nito sa akin.

I grinned. "Opo... kailan ka uuwi, Auntie? Miss na miss ko na po kayo. Mag-isa lang ako dito sa bahay..." naglalambing kong sabi dito.

"Anong ibig mong sabihin na mag-isa sa bahay, Blue? Hindi ba'y ibinilin kita sa boyfriend mo? Si Ales? Pinabayaan ka ba ng lalaking yon?" sunod-sunod nitong tanong sa'kin.

Napapikit ako ng mariin nang ma-realize ko ang nasabi ko. Bakit ko pa kasi nasabi iyon. Ang tanga ko talaga. Now, she'll get worried. "A-Auntie..."

"Blue, magsabi ka ng totoo... anong nangyari?" mariin nitong tanong.

Kahit hindi ko ito nakikita. ay nai-iimagine ko na ang pagseryoso ng mukha ni Auntie. Sa tono palang ng pananalita nito ay talaga masasabi kong seryoso siya at malapit nang sumabog sa galit.

"A-Auntie, nag-away po kasi kami ni Ales..." bumuntong hininga ako ng malalim.

"Ano? Ano na naman ang ginawa ng magaling mong boyfriend ha, Blue?" malakas nitong pagsigaw.

The Possessive Man's Girl Where stories live. Discover now