Signs

3.4K 60 0
                                    

Do you ever believe in signs? Kasi ako.. Sobrang naniniwala sa mga signs na yan.. Bakit? Dahil ilang beses ko na ring napatuyan ang mga iyan.. Sabi nga ng bestfriend ko.. Nakaasa na lang daw lagi ako signs.. 

Lahat na lang ng daw ng desisyon ko.. Ginagamitan ko ng signs.. Minsan nga, naiisip niya kung tao pa daw ba ako.. Wala na lang daw kasi akong ginawa kundi humingi ng signs.. 

Eh anong magagawa ko? Eh ang lakas ng paniniwala ko sa mga signs na yan eh.. Sabi ko pa nga.. Wala namang mawawala ung paniniwalaan ko ito.. Dahil sa signs na yan.. Naipasa ko ang isang subject na napakahirap para sa akin.. 

Dahil din sa signs na yan, naging kami ng kaisa-isang lalaki itinibok ng puso ko.. Si Liam.. Pero dahil din sa signs na yan.. Nag-break kaming dalawa..

At yung ang isa sa mga pinagsisihan ko ng humiling ako ng signs.. Dahil sa sign na hiniling ko.. Nawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko..

"Hoy!" 

"Ay, kabayo!" tili ko ng gulatin ako ng bestfriend kong si Elaine.. Naupo siya sa tabi at inabot sa akin ang binili niyang ice cream.. "Kelangan gulatin ako? Paano kung atakihin ako sa puso?" nakataas ang kilay na sita ko sa kanya.. 

"Beverly Jane Adrales, wala ka naman sakit sa puso para maging dahilan para atakihin ka." sabi ni Elaine na tumatawa.. Binuo pa talaga ang pangalan ko.. 

Inirapan ko lang siya.. "Sige, tumawa ka pa. Kabagan ka sana!" inis na sabi ko sabay nilantakan ang ice cream na hawak ko.. 

"Bakit kasi natutulala ka naman dyan?" nagseryosong sabi niya.. Nilantakan na rin niya ang hawak niyang ice cream.. "It si about Liam?" tanong niya..

Malungkot lamang akong tumingin sa kanya pero hindi ako sumagot.. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain sa ice cream ko.. 

"Ang hilig mo kasi sa mga signs na yan." sabi niya.. "Ayan tuloy." 

"Not now, Elaine." sabi ko.. Nagkibit-balikat lamang siya.. "Asan na ba si Kaaye?" 

"Ewan ko ba?" sagot ni Elaine.. "Ang sabi niya. Malapit na daw siya eh." 



"Kahit kelan talaga 'tong si Kaaye. Pa-VIP." sabi kong naiinis na.. Mainipin ako at ayoko sa lahat ng pinaghihintay ako.. "Pinapunta-punta niya ako dito sa park. Siya naman itong wala."

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon