Wedding Jitters

7.4K 108 15
                                    

A/N: another one shot po.. ahahaha.. oh my! 1 week na lang.. ahaha.. tapos na me ng schooling.. ahahaha.. yehey.. salamat po sa mga babasa nito.. sana po magustuhan ninyo.. salamat po ng marami.. :)) ang panget ata ng title.. ahaha.. eto po yung story naman ng isa sa mga anak nina Stella at Crush ng "dialling crush number".. sana po ay magustuhan rin niyo.. ahaha.. husgahan ninyo na lang po.. salamat po.. :P

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

♥ WEDDING JITTERS ♥

Naririto ako ngayon.. Nakatayo sa harap ng altar.. Habang nakatingin sa saradong pinto ng simbahan.. Halo-halo ang nararamdaman.. Excited ako.. Kinakabahan.. Masaya.. Ninenerbyos.. Lahat na.. 

Eto ang araw.. Ang araw na pinakamasaya sa lahat ng mga araw ko.. Ang araw kung saan makakasama kita.. Makakasama ka ng panghabang-buhay.. 

Pinagpapawisan ako ng malamig.. Panay din ang punas ko ng pawis sa aking noo.. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.. Dararating ka ba? Makikita ba kita? Baka indyanin mo ako..

Maya't-maya akong tumitingin sa aking relo.. Hinihintay ang takdang oras kung saan magbubukas ang pinto ng simbahan.. Ang oras kung saan makikita kitang naglalakad sa gitna ng simbahan.. 

"Anjan na siya!" sigaw ng coordinator.. Agad akong napatuwid.. Pigil hiningang tumingin ako sa pinto ng simbahan.. Ang lahat ng tao sa simbahan ay tumingin din sa pinto.. Lahat ay nag-aabang.. Nag-aabang sa pagbukas ng pinto ng simbahan.. 

Noon bumukas ang pinto.. Bumungad ka.. Agad tumugtog at kumanta ang choir ng simbahan.. Ang ganda-ganda mo sa suot mong trahe de boda.. Ang ngiti mong kay sarap pagmasdan.. At ng magsimula kang maglakad papasok sa simbahan.. Isang alaala at nagsumiksik sa aking kaisipan.. 

"Miss, okay lang ba?" tanong ko sa'yo.. Napaupo ka kasi sa semento ng magitgit ka ng mga ptaong nagmamadali..


Napatingin ka sa akin at nahihiyang ngumiti.. Pinulot mo ang nagkalat mong gamit.. Tinulungan kita.. Inalalayan din kitang makatayo..


"S-salamat." sabi mo..  Inabot ko sa 'yo ang iba mong gamit.. 

"Crush nga pala." pakilala ko sa'yo at inilahad ang kamay ko..


Kunot-noo kang tumingin sa akin.. Ngumiti ako.. "Crush ang name ko." sabi ko.. "Ash na lang for short. Junior kasi ako ng Papa ko." 


"Ahh."  tugon mo at ngumiti.. Tinanggap mo ang pakikipagkamay ko.. "Lia." 


Lia.. Kay gandang pangalan.. At ang ngiti mo.. Kay gandang pagmasdan.. Tila nabighani na ata ako sa mga ngiting yan.. Simula ng araw na mkilala kita.. Hindi ka na nawala sa isip ko.. Na sa tuwing pipikit ako.. Mukha mo ang nakikita ko.. Sa tuwing naiisip  kita.. Kakaibang saya ang nararamdaman ko.. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko.. Na love at fisrt sight ata ako sa'yo.. 

Sa pagnanais kong makita kang muli.. Upang makumpirma ang nararamdaman ko.. Hinanap kita.. Palagi akong nagpupunta sa lugar kung saan una kitang nakita.. Nagbabakasaling makikita kang muli.. Pero ang hindi ko inaasahan.. Kapit-bahay lang pala kita.. Tuwang-tuwa ako ng malaman ko iyon.. Mahal na nga kita.. 

Palagi kitang dinadalaw sa inyo.. Inayaya sa kung saan-saan na alam kong masisiyahan ka.. Hanggang sa nagtapat ako sa'yo.. Sinabi kong mahal kita.. At tinanggap mo ito.. Ang saya ko ng malama kong mahal mo rin ako.. Naging masaya ang pagsasama natin bilang magkasintahan.. 

Apat na taon ang lumipas.. Pinaghandaan ko ang pagpo-propose sa'yo.. 


"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong mo sa akin ang sunduin kita sa inyo isang gabi..


"Basta, sumama ka na lang.." sabi kong nakangiti..  Dinala kita sa isang restaurant.. Nagpaserve ako ng table for two.. Doon.. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko para sa'yo.. "Mahal na mahal kita, Lia. Pakakasal ka ba sa akin?" tanong ko sa'yo..


Hindi ka kagad sumagot.. Kinabahan ako.. Irereject mo ba ang proposal ko? Mataman ka lang nakatingin sa akin.. Hindi ko alam ang iniisip mo.. Tinitigan kita.. Wala akong mabasa kahit anong emosyon sa mga mata mo.. Lalo akong kinabahan.. Unti-unti akong nanlumo.. Ang maganda sanang gabi.. Masisira pa ata kapag tinanggihan mo ako..


Yumuko ako.. "Okay lang kung hindi ka pa handa." sabi ko sa malungkot na tinig..


Hinawkan mo ang baba ko.. At inaangat ito.. "May sinabi ba akong 'hindi'?" nakangiti mong sabi..  "Syempre naman, pakakasal ako sa'yo. Mahal kaya kita." sabi mo.. 


Unti-unti akong napangiti.. Ang ngiti na naging tawa.. Niyakap kita ng mahigpit.. "Mahal na mahal kita." sabi ko.. 


"Mahal din kita." sagot mo.. 



At ngayong araw nga.. Unti-unti ka ng lumalapit sa akin.. Ikakasal na tayo.. Kahit na ninenerbyos ako.. Masaya ako.. Dahil dumating ka.. Dumating ka sa araw ng ating kasal.. Ito na talaga ang pinakasamayang araw ng buhay ko.. Ang araw na kung saan magiging misis na kita.. At ang araw na siyang simula ng maganda nating pagsasama bilang mag-asawa.. 


"Ash." tawag mo sa akin ng makalapit ka sa altar.. Nginitian kita.. Agad kong hinawakan ang mga kamay mo.. Pinisil ko ito.. Hinawakan ng mahigpit na para bang ayaw ko ng bitawan.. Sabay tayong humarap sa pari at nagpalitan ng 'I do.'..

*end*











A/N: well.. ang panget ata.. ahahaha.. ewan ko.. sorry po sa typo errors ha.. bahala na po kayong humusga.. ahaha.. sana magustuhan ninyo.. salamat po.. pasensiya na po ha.. :)) panget bata.. salamat po.. :)) tugma ba sa story yung title? ahaha.. sensiya na ha.. :) salamat po.. :)) 

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon