Burol

4.3K 50 3
                                    

A/N: okay.. ahaha.. update ulit.. kahit one lang.. ^________^ ahahaha.. salamat po sa babasa nito.. ^___^ a short, short story po.. libre lait.. :))

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naririto na naman ako.. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.. Ang lugar kung saan una kitang nakita.. Kung saan una kong nasilayan ang maamo mong mukha.. Ang lugar kung saan una kong natitigan ang nangugusap mong mga mata at ang mga labi mong kay pupula.. 

Ang lugar kung saan una akong nagmahal. nasaktan, nabigo at lumuha.. Ang lugar kung saan tayo nagsimulang mangarap.. Ang lugar kung saan naging isa ang ating mga puso't damdamin.. Ang burol.. 

"Bakit mo ako pinapunta rito?" tanong mo ng dumating ka sa paborito nating lugar.. "Gabi na oh." sabi mo at tumingin ka sa kalangitan.. Tumingala rin ako.. Pinagmasdan ang mga bituin sa langit na may kanya-kanyang ningning.. Ang bilog na bilog na buwan na siyang tumanglaw sa kadiliman ng gabi.. "Ang ganda ng langit noh? Ang liwanga ng buwan." komento mo.. 

Tumingin ako sa'yo.. Nakatingala ka pa rin sa kalangitan na waring nangangarap.. "Oo nga. Kasingganda mo." sabi ko.. Bigla kang tumingin sa akin.. Nagtatanong ang iyong mga mata.. Ngumiti lamang ako habang nakatingin sa'yo.. 

"Matagal na akong maganda." sabi mo at nginitian ako.. Ngiting sadyang tutunaw sa puso ko.. Tumigil yata sa pagtibok ang puso ko ng ngitian mo ako.. 

"Alam ko." sabi ko ng hindi inaalis nag tingin sa'yo.. "Kaya nga nabihag mo ang puso ko." diretsong sabi ko.. 

"Ahahahaha." bigla kang tumawa.. "Ano ba yang sinasabi mo? Seryoso ka?" tanong mo sa pagitan ng pagtawa.. 

"Seryoso ako. Mahal kita, Tarrah." mataman pa rin akong nakatingin sa'yo.. Napatigil ka sa pagtawa ng bigla kong hawakan ang iyong mga kamay.. 

"Arnold..."sambit mo sa pangalan ko.. 

"Tarrah,mahal kita. Mahal na mahal kita." sabi ko.. 

Nagulat ako ng bigla mo na lamang akong yakapin ng mahigpit.. "Salamat." sabi mo.. "Salamat at nagtapat ka rin. Mahal din kita." sabi mo.. 

Nang marinig ko ang katagang iyon.. Labis-labis ang kaligahayan ko.. Napangiti ako.. Mahal mo rin ako.. Ang saya-saya ko ng gabing iyon.. Magkahawak kamay tayong nahiga sa damuhan.. Sabay nating pinagmasdan ang maliwanag na kalangitan.. Nagsimula tayong bumuo ng mga pangarap.. 

"Papa?" tanong ng anim na taong gulang nating anak.. Napatingin ako sa kanya.. Nagbalik sa realidad ang aking diwa.. "Umiiyak ka ba?" tanong niya sa akin.. Banayad kong hinawakan ang aking pisngi.. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako..

"Wala ito, anak." sabi ko sa kanya.. "Naalala ko lang si Mama mo." sabi ko.. Nakatitig ako sa maamong mukha ng ating anak.. Kamukhang kamukha mo talaga siya.. 

"Papa, uwi na po tayo. Maggagabi na po." sabi niya sa akin.. 

Malungkot akong ngumiti.. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa damuhan at binuhat siya.. "Halika na." sabi ko at nagsimua na akong lumakad palayo.. 

Muli kong sinulyapan ang burol.. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.. Ang lugar kung saan tayo nagsimulang bumuo ng mga pangarap.. Ang lugar kung saan punong-puno ng masasayang alaala.. Ang lugar na ngayon at may nakatirik ng krus.. Ang lugar kung saan ka ngayon nakahimlay ng mapayapa.. Muling nagbalik sa alaala ko ang masasayang araw natin sa burol.. At muli.. Nag-unahan na naman sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.. 

*end*

A/N: ahaha.. maikli lang.. ^_____________^ ano ba nangyayari sa akin? bakit ganito nga story ko ngayon? ahaha.. maganda ba? bahala na po kayo.. (kring.. pambawi ko sa sobrang tagal ng update ko sa story mo.. magustuhan  mo sana..) salamat.. :))

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon