Crush On You

4.2K 65 15
                                    

A/N: request po ito ng isa sa mga watty readers ko.. ^_^ sana ay magustuhan mo.. at magustuhan rin sana ito ng pag-aalayan mo.. ahaha.. salamat po sa babasa nito.. ^_^

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Huminga ako ng malalim.. Ngayon na siguro ang tamang panahon.. Ang tamang panahon para sabihin sa lalaking gusto ko, na gusto ko siya.. Habang may lakas pa ako ng loob.. Habang kaya ko pa.. 

Marahan akong naglakad.. Maya-maya ay humihinga ako ng malalim.. Nagbabakasakaling, mawala ang kaba sa dibdib ko.. Pinagdaop ko ang aking mga kamay.. Kinakabahan talaga ako.. Nang ilang hakbang na lang ako palapit sa kanya.. Napatigil ako..

Gagawin ko na ba talaga? Magtatapat na ba talaga ako? Ngayon na ba talaga? Kaya ko ba? Pinagkiskis ko ang aking mga palad.. Namamawis na ito sa kabang nararamdaman ko.. Inilapit ko sa aking labi ang aking mga kamay na tila na nananalangin.. 

Muli akong huminga ng malalim.. ipnagpatuloy ang aking paglalakad.. Naririnig ko ang malulutong niyang tawa.. Nakikita ko na ang mukha niyang masayang-masaya.. Malapit na ako.. Malapit na ako sa taong gusto ko.. Gagawin ko na.. Magtatapat na ako.. Habang may lakas pa ako ng loob.. Dahil kung hindi pa ngayon? Kelan pa? 

Nang medyo tatlong dipa na lang ang layo ko sa kanya.. Tatawagin ko na sana siya ng biglang may tumwag sa pangalan ko.. 

"Sab!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.. Paglingon ko sa aking likuran.. Nakita ko ang aking bestfriend na si Sarra.. Papalapit siya sa akin.. 

"S-sarra." sabi ko ng makalapit siya sa akin..

"Oh? Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.. Nanguyapit pa siya sa braso ko.. 

"Okay lang ako." sabi ko.. Muli akong bumaling ng tingin sa lalaking gusto ko.. Napabuntong-hininga ako.. Masasabi ko na sana eh.. Kung hindi lang ako tinawag ni Sarra..

"May gusto ka ba kay Anton?" tanong ni Sarra.. Nakatingin na rin pala siya kina Anton.. 

"H-ha?" gulat na sabi ko.. "W-wala ah." sabi ko.. Wala kasing may alam na may gusto ako kay Anton.. Tanging ako lamang.. At kahit si Sarra.. Walang alam.. 

"Good." sabi niyang tumingin sa akin at ngumiti.. "Kasi gusto ko siya." sabi niya.. "Bagay kami, di ba?" tanong nakangiti pa rin.. 

"A-ah. O-oo. Bagay kayo." sabi ko kahit parang dinudurog ang puso ko.. Minsan na nga lang ako magkagusto ko.. Makakhati ko pa ang bestfriend ko.. 

"Wait lang, Sab ha." sabi niya.. Bumitiw siya sa akin.. "Lalapitan ko lang si Anton." naglakad na siya palayo sa akin.. Pinagmasdan ko siya ng makalapit siya kay Anton.. Nagtatawanan sila..

Hindi ko mapigilan ang masaktan.. Nasasaktan ako.. Ang taong gusto ko.. Mukhang iba yata ang gusto ko.. Ang ang bestfriend ko.. Gusto ang lalaking gusto ko.. 

Tumalikod na lang ako at naglakad palayo.. Muling huminga ng malalim.. Bago pinakawalan ang luha na kanina pa gustong kumuwala.. 

*****

"Hoy! Sab!" biglang sumulpot sa unahan ko ang kaibigan ko.. "Ang layo naman ng tingin mo." sabi niya.. "Problema?" tanong niya..

Umiling lang ako.. Apat na taon na rin ang lumipas.. Apat na taon na noong nagtangka akong magtapat kay Anton.. At ngayon.. Second year high school na kami.. Same school pa rin.. Pero different section na.. 

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon