My Monito

3.2K 77 14
                                    

Christmas party na namin.. Syempre.. Maganda ako.. Kinuha ko na ang box na pang-exchanged gift ko.. Pati na rin ang mga panregalo ko sa mga kaibigan ko.. Inilagay kong lahat sa paper bag.. Nagtungo ako sa sala upang magpaalam sa mga magulang ko..


"Ma. alis na ako." paalam ko sabay halik sa pisngi niya..


"Hindi ka ba kakain?" tanong ni Mama..


"Hindi na po. Marami kaming pagkain sa party." nakangiting sabi ko bago tuluyang lumabas ng bahay..  

Sumakay na ako ng tricycle at nagtungo sa school..

**********

Pagdating ko ng school.. Kita ko ang kapwa estudyante ko.. Masaya.. May mga dalang regalo.. May malalaki.. May maliliit.. May ilan na sa sobrang laki.. 'Di na nagawang ibalot.. Nilagyan na lang ng ribon.. 


"Jessie!!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Mara.. 


"Oh? Bakit?" tanong ko.. 


"Sabay na tayo." sabi niyang nakangiti.. "Wow! Anong laman ng gift mo?" tanong niya sa akin ng mapansin niya ang dala ko.. 


"Secret!" sabi ko sabay iwas ko sa paper bag ko.. Nahampas niya ako sa balikat.. "Aray!"


"Ano nga kasi? Para kay Marlon ba yan?" pangungulit niya.. Pinipilit pa niyang silipin ang laman ng bag ko.. 


"Oo noh." sabi ko na hindi nawawala ang ngiti.. "Siya ang monito ko 'di ba?" sabi ko.. 

Umismid siya.. "Buti pa yung monito mo. Ang gaganda ng natatanggap na regalo. Pero bakit yung may monita sa'yo. Puro kalokohan lang ang gift sa'yo?" napasimagot naman ako.. 

Oo nga naman.. Simula nung mag-start ang kris kringle namin.. Puro walang kwenta natatanggap ko.. Sino naman kasi kaya ang may monita sa akin? 

**------**


First day ng monito-monita namin.. At something red ang tema namin.. Bago ko ilagay sa kahon sa kung saan ilalagay ang mga regalo.. Hinalikan ko muna ang gift ko.. Si Marlon kasi ang monito ko.. My long time crush.. Anctually.. Mahal ko na nga eh.. 

Walang limit ang price ng regalo.. Kaya simpleng red na saklob ang laman ng gift ko.. Inilagay ko na sa kahon ang regalo at naupo na ako sa upuan ko..

Nang ibigay na ni Ma'am ang mga regalo.. Nakit kong tuwang-tuwa siya sa bigay ko.. Kahit pa sabihing hindi naman niya alam na galing sa akin.. Ipinagpahili pa nga niya ito sa mga barkada niya eh.. 

Nang ako na ang tatanggap ng regalo.. 

"Jessie, eto ang regalo mo mula sa monito/monita mo." tawag ni Ma'am.. Kaya ako agad akong tumayo at pumunta sa unahan.. Kinuha ko kay Ma'am ang regalo at binuksan.. 
 

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon