Akala Ko Kasi

2.1K 38 3
                                    

Naalala mo pa ba? Noong una tayong magkakilala.. Nilapitan kita noon.. Nag-iisa ka kasi.. Nakangiti akong lumapit sa'yo at nagpakilala.. Inilahad ko pa ang aking kamay.. Tiningnan mo lang ito at nakasimangot na tumingin sa akin..

Bigla ka na lamang tumayo at lumayo sa akin..

Akala ko kasi..

Gusto mo ng kakilala..

Nagkita tayong muli.. Sa pagkakataong ito.. Dinaldal kita ng dinaldal.. Salita ako ng salita kahit hindi ka nag-rereact.. Kwento lang ako ng kwento.. Bigla mo akong sinigawan.. Natahimik ako.. Dahil sa pagsigaw mo.. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko..

Akala ko kasi..

Gusto mo ng kausap..

Simula noon.. Palagi na kitang pinupuntahan sa tambayan mo.. Kahit minsan hindi mo ako pinapansin.. Naging magkaibigan din tayo kahit papano.. Tapos minsan ang bait mo sa akin.. Binigyan mo kasi ako isang bracelet..

At bilang pasasalamat sa'yo.. Ipinagbake kita ng cake.. Ipinatikim ko iyon sa'yo.. Kaso, idinura mo lang ito at kunot-noong tumingin sa akin..

Akala ko kasi..

Masasarapan ka..

Minsan naisipan kong isama ka sa isa sa mga lakad ko.. Dinala kita sa isang lugar na madala kong puntahan.. Nag-eenjoy ako kapag nagpupunta ako doon..

Magaan kasi sa pakiramdam ang pagmasdan ang mga naggagandahang bulaklak.. Pero hindi pa tayo nagtatagal.. Sinabi mong naiinip ka na.. At gusto mo nang umuwi..

Akala ko kasi..

Mag-e-enjoy ka..

Birthday mo.. Nag-effort akong ipaghanda ka kahit kaunti.. Inimbitahan ko din ang ilan mong mga kaibigan.. Nang dumating ka sa bahay ninyo.. Nadoon ang parents at kapatid mo.. Pati mga kaibigan mo.. Binati ka nila..

Seryoso lang lumapit sa akin.. At sinabing pauwiin ko na sila.. Na ayaw mo ng handaan.. Ayaw mo ng may maingay..

Akala ko kasi..

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon