That One Day

4.1K 49 16
                                    

A/N: huwaw.. update ulit.. ehehe.. sana ay inyong magustuhan ulit.. wahehehe.. salamat po.. ^_^

-----------------------------------------------------------------------------------------------



"Arghh." sinipa ko ang isang lata ng coke na nakita ko sa daan.. Naiinis ako.. Bakit ba kasi sa akin pa nangyari 'to? Ano bang kasalanan ko? Anong nagawa kong mali? At tila pinaparusahan ako.. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa park.. Nagpapalipas ng sama ng loob..

"Aray!" narinig kong sigaw ng isang babae.. "Sinong nambabato dyan?" nakita kong may lumabas mula sa halaman.. Hawak-hawak niya sa kamay niya yung lata na sinipa ko.. At yung isang kamay naman niya ay nakahawak sa ulo niya.. "Hoy! Ikaw?!" turo niya sa akin.. "Ikaw ba ang nambato nito?" sabi niya at ipinakita sa akin ang lata..

Napakamot ako sa ulo ko at yumuko.. "Ahm.." sabi ko.. Hindi ako makatingin sa kanya.. "Sorry." hinging paumanhin ko..

"Kung may problema ka. Wag ka naman mandamay." reklamo niya.. "Ano bang problema mo?" biglang tanong niya.. Nag-angat ako ng tingin.. Nakalapit na pala siya sa akin.. Nagtama ang aming mga mata.. May kung anong lungkot akong nababasa sa kanyang mga mata..

"Iniwan ako ng gf ko. Pinagpalit ako." sabi ko.. Ewan ko.. Parang may kung ano sa akin na hindi ko maipaliwanag.. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sinabi ko ang problema ko sa taong hindi ko naman kilala.. Pakiramdam ko kasi, mabait siya at pwedeng-pwede kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko..

"Sus! Yun lang pala." sabi niya.. Napakunot-noo ako.. Nila-"lang" lang niya yung pang-iiwan sa akin ng gf ko.. Ano bang klaseng babae 'to? Bigla siyang ngumiti.. At hindi ko maintindihan ang sarili ko.. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.. "Buti ka nga. Yun lang problema mo." sabi niya.. Nawala ang ngiti sa mga labi niya..

"Bakit?" tanong ko naman.. Ngumiti ulit siya.. At eto na naman puso ko.. Naging eratiko na naman ang tibok.. Ano bang meron sa ngiti ng babaeng 'to at bumibilis ang tibok ng puso ko?

Hinawakan niya ang kamay ko.. "Samahan mo ako." hinila niya ako.. Tinapon niya yung lata na kanina pa niya hawak sa basurahan na nadaanan namin..

"T-teka!" angal ko.. Pero wala na akong nagawa ng isakay niya ako sa kotse.. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.. Bakit ba ako sumama sa babaeng 'to? Hindi ko naman siya kilala.. Nginitian lang niya ako.. "Anong pangalan mo?" muli kong tanong.. Ngiti lang ang isinagot niya..

Hala! May saltik ata 'to.. Nagtatanong ako.. Ngiti lang ng ngiti.. Makababa na kaya.. Kahit naandar 'tong sasakyan na 'to.. Tatalon talaga ako.. May saltik ata 'tong kasama ko.. "Wag ka mag-alala. Hindi ako baliw. Hindi rin kita sasaktan." sabi niya na tila ba nababasa niya yung iniisip ko.. "Samahan mo lang ako." saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti bago binalingan ang pagmamaneho..

Habang busy siya sa manibela, nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan siya.. Maganda naman siya.. Maamo ang mukha.. Matangos ang ilong.. May manipis at mapulang labi na parang masarap hagkan.. Ay, takte! Bakit ko nasaing masarap halikan ang labi niya? Kelan ako naging parang pervert?

Bigla siyang humarap sa akin at ngumiti.. At eto namang puso ko.. Kelan ba babalik sa normal na tibok? Kanina pa ang bilis ng tibok.. At mas lalo pa bumibilis kapag nginingitian ako ng babaeng 'to.. "Wag mo akong katitigan. Naco-conscious ako." sabi niya.. Ibinalik niya ang tingin sa daan...

Ako naman.. Ibinaling ang tingin sa may bintana sa tabi ko.. At pakiramdam ko.. Nag-init ang mga pisngi ko.. Nahihiya ako na hindi ko maintindihan..

"Namumula ka." bigla akong nabaling ng tingin sa kanya.. Nakangiti na naman siya.. "Hahahaha. Mas lalo ka namula." tumatawang sabi niya.. Hiyang-hiya na naman ako.. Kelan pa ako namula sa harap ng babae? At sa harap ba ng babaeng hindi ko naman kilala.. Ako dapat ang nagpapa-blush sa babae, not the other way aroud.. "Baba na tayo. Andito na tayo." sabi niya matapos iparada ang sasakyan.. Nauna siyang bumaba sa akin..

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon