Someday

2.2K 49 6
                                    

Someday you'll gonna realize..

One day you'll see this through my eyes..

But then i won't even be there..

I'll be happy somewhere..

Even if i can't..

Kanta ko sa awiting tinutugtog ng aming banda.. Pinagmamasdan ko ang mga costumer na nasa loob ng bar kung saan ako nagtatrabaho bilang bokalista ng banda..

Iba't-ibang tao ang nakikita ko.. May mga barkadahan na nagkakasiyahan.. May mga magsyota naman na sobrang sweet sa isa't-isa na parang sila lamang ang tao sa lugar..

Iba't-ibang emosyon ang nakikita ko sa kanila.. May masaya.. May malungkot.. At may tila problemado..

Habang iniliibot ko ang aking paningin sa loob ng bar.. Nagawi ang aking mga tingin sa isang partikular na lugar sa loob.. Ang lugar kung saan ako unang umibig.. At lugar din kung saan ako unang nasaktan..

Sa sulok ng bar malapit sa fire exit.. Doon ko siya nakilala.. Siya ang nagbigay kulay at saya sa buhay ko.. Doon sa lugar na iyon nagsimula ang istorya namin.. At doon din ito nagtapos..

I know you don't really see my worth..

You think you're the last guy on earth..

Well I've got news for you..

I know I'm not that strong..

But it won't take long..

Won't take long..

"Break na tayo." sabi niya sa akin noon.. Kakatapos lang ng gig namin noon.. At kasalukuyan nag-aayos para makauwi ang mga kabanda ko..

"B-bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya noon.. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata..

"Hindi na ako masaya sa relasyon natin." sabi niya.. Nakatitig lamang siya sa akin..

"Pero, Dale." hinawakan ko ang mga kamay niya.. "Mahal kita. At alam kong mahal mo din ako. Nararamdaman ko iyon." umiiyak ng sabi ko..

Umiling-iling siya.. At tumayo.. Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko.. "Tapos na tayo, Chin. Hindi ka kita mahal." sabi niya at tuluyang umalis sa bar..

Umiyak ako ng umiyak ng gabing iyon.. Halos gumuho ang mundo ko dahil sa nangyari.. Hindi ko alam kung makakaya ko na wala siya sa buhay ko.. Hindi ko alam kung kaya ko pang ipagpatuloy ang bukas ko..

Siya na ang pinangarap ko.. Siya ang lalaking gusto kong makasama sa buhay.. Siya ang gusto kong kapalitan ng 'I do'.. Siya ang gusto kong maging ama ng magiging mga anak ko..

Pero naglahong lahat ang mga pangarap ko.. Dahil nakipag-break siya sa akin.. Sa hindi ko maintindihang dahilan..

Isang linggo matapos ang break up namin.. Pinuntahan ko siya sa condo niya.. Nasa akin pa ang susi kaya nakapasok ako.. Gusto ko sana niyang makausap.. Baka sakaling maibalik pa namin ang lahat..

Pero nagulat ako sa nadatnan ko.. Sa kwarto niya.. Mas kasama siyang babae.. At parang balewala sa kanya na nakita ko sila ng babae niya..

Pagalit pa niya akong pinalayas.. Gusto kong makipag-usap.. Pero tinanggihan niya ako.. Umiiyak akong umuwi sa bahay namin..

Pinilit ko siyang kalimutan.. Pinilit kong patayin ang damdamin ko sa kanya.. Pinilit kong makapag-move on..  Ginawa ko ang lahat para makalimutan siya.. Nakipag-date ako sa iba.. Nagakaroon ng mga bagong kaibigan..

Pero sa tuwing may gig kami sa bar.. Paulit-ulit na bumalik ang mga alaala.. Ang mapapait na alaala na dulot niya..

Iniisip ko na lang.. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo.. Marami pa.. Marami pa akong makikilala na higit pa sa kanya.. Sa ngayon siguro.. Hindi ko pa kayang kalimutan siya..

Pero alam ko.. Darating ang araw na magkita ulit kami.. Wala na yung sakit.. Wala na yung pighati.. Wala ng lungkot dahil sa paghihiwalay namin..

Coz someday, someone's gonna love me..

The way, i wanted you to need me..

Someday, someone's gonna take your place..

One day I'll forget about you..

You'll see, i won't even miss you..

Someday, someday..

Dahil darating ang araw.. May isang tao din na magmamahal sa akin.. Higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay.. Darating ang araw na may isang taong papalit sa pwesto mo sa puso ko..

Daraing ang araw na makakalimutan ko din siya.. Na hindi ko siya hahanap-hanapi pa..

But now..

I know you can't tell..

I'm down, and I'm not doing well..

But one day these tears..

They will all run dry..

I won't have to cry..

Sweet goodbye..

Pero sa ngayon.. Alam kong mahina pa ako.. Na hindi ko pa kaya.. Pero  isang araw.. Hindi na ako iiyak.. Hindi na ako masasaktan.. Hindi na ko malulungkot..

I know someone's gonna be there..

Someday, someone's gonna love me..

The way, i wanted you to need me..

Someday, someone's gonna take your place..

One day I'll forget about you..

You'll see, i won't even miss you..

Someday, someday oh yeah yeah..

Natapos ko ang kanta na may luha sa aking mga mata.. Palakpakan ang mga tao sa loob ng bar.. Kumaway ako ng bahagya sa kanila at inilbot ang aking paningin..

Maya-maya ay lumapit ang isang waiter sa akin.. At may inabot na isang kapirasong papel.. Binuklat ko ito at binasa..

"Dry your tears.. Chin, chin up.. There's s someone out there who will love you the way you want to. Smile :) Sing this song.. I dedicate this song for you.. JUST GIVE ME A REASON by PINK.."

Louie <3 -sabi sa sulat..

Luminga-linga ako at natagpuan ng mga mata ko ang isang lalaking nakangiti habang nakatingin sa akin.. Napangiti din ako at sinabihan ang mga kabanda sa next song namin..

Nagsimula ng tumugtog ang banda.. Nakatingin lamang ako sa lalaki habang kinakanta ang awiting ni-request niya.. Nang nasa chorus na ako.. Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin..

Binigyan niya ako ng isang pumpon ng pulang rosas.. Kimuha siya ng isa pang mic at sumabay sa akin sa pagkanta..

*end*

A/N: wahaha.. waley na kung waley..  husgahan ninyo na ulit.. haha.. pero salamat pa rin.. salamat ng marami.. :)) hehe.. love lots.. muaaaah.. (sorry sa errore ha.)

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon