Habang kumakain at nag-kukwentuhan kami ay biglang nag-salita si Kayla. "That's him!" She exclaimed and pointed her finger to some guy na nakapila para bumili.

"Huwag ka ngang basta-basta mag-turo." Agad namang binaba ni Ava ang kamay ni Kayla. Hindi ko na sila pinansin dahil nanatili ang tingin ko ruon sa lalaking nakatalikod na tinuro ni Kayla.

"Hala! Oo nga, siya nga!" Bumalik ang tingin ko kay Kayla as she giggled. Parehong kumunot ang nuo namin.

"Sino ba 'yun?" Ava asked. Nag-tataka kung paano umaakto si Kayla ngayon.

"I don't know." Kibit balikat ni Kayla. Agarang sumama ang tingin namin sa kaniya. Bwisit na 'yan! Itong babaeng 'to kung mag-react akala mo kilala, hindi naman pala!

"Sambunutan kita d'yan, e." Ava threatened and she just laughed.

"I mean, I didn't know his name pero alam ko na he's a transferee student na hindi ko alam kung saang school. Pero ang chika-chika ay Dean's Lister daw 'yan sa dati niyang school." She explained. Bumalik ang tingin ko ruon sa lalaki na ngayon ay um-oorder na.

"Tsismosa, pero iba talaga ang antenna mo Kayla, ano. Ang sharp!" Saad ni Ava. Ewan ko kung puri 'yun o ano, basta. Ito naman si Kayla ay mukhang proud pa.

"Paano ba namang hindi? E, katabi lang namin sila ng building. Education department and Business Ad department." Sagot niya. Kaya naman pala.

Ah, BSBA. "Pareho pala sila ni Kuya." Singit ko sa usapan at tumango-tango lang siya.

"Type mo?" Ava suddenly asked.

"Of course not, he's way too smart for me." Sagot naman niya. Ayaw niya pa?

"Bakit ikaw ba?" Ava asked again.

"Ma-abilidad!" Natawa na lang kami sa sagot ni Kayla. Loka-loka talaga 'tong babaeng 'to.

Bumalik ang tingin ko ruon sa lalaki at mukhang nag-hahanap na sila ng ma-uupuan.

"Pogi rin siya, ah." Kaswal na sabi ni Ava.

"I know." Kayla agreed. Tama nga sila. Ang gwapo niya. Pina-panuod ko lang siya kasama ang kaklase niya na mag-hanap ng upuan.

"Naya, ubusin mo na 'yung pagkain mo malapit na matapos 'yung break time." Paalala naman sa'kin ni Ava at agad akong nag-madaling kumain. Oo nga pala.

"May schedule ka ba sa infirmary today?" Kayla asked while wiping her lips using a tissue.

"Meron e, after class. Why?"

"Labas sana tayo, I want to relieve some stress." Stress niyang sabi at umaktong masakit ang ulo.

"Sorry, I can't go out with you today. Maybe next time, but in order to relieve stress. You can do exercise, laugh, meditate and listen to music. That'll be a big help." I suggested to her, sobrang effective ng mga ito. Proven and tested.

"How about fling or boyfriend? Stress reliever din ba 'yun?" She asked sabay taas-baba ng  kaniyang kilay.

"Bahala ka!" Sabay naming sabi ni Ava at tumawa. Nag-pout lang naman siya.

Nang matapos ang lunch break ay bumalik kami sa'ming classroom. Habang nag-didiscuss ang professor namin ay biglang sumagi sa isipan ko si transferee student. I don't know, but he made curious about him somehow. He's from Business Ad, pwede ko naman siyang itanong kay Kuya pero sigurado akong iisipin niya na may gusto ako ruon. Well, gwapo naman si transferee student pero--

"Ms. Suarez!" Agad kong napa-tayo sa pag-tawag sa'kin ng professor. Kakagulat ah!

"Are you listening?" Nakataas ang kilay niya sa'kin ngayon.

Never Promise AgainTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang