Chapter 36

58 6 0
                                    

Naya's Point of View

"Levy, I'm sorry, but I really need to go. Bye, take care." 

Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti bago binitiwan ang kaniyang kamay. If something really terrible happened then I must be quick. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero iba ang pakiramdam ko rito. Kinakabahan ako.

"Take care, Nurse. Sang'gre." Paalam pa sa'kin ni Levy pero hindi na 'ko lumingon pa sa kaniya. Nag-madali na kaming umalis ni Ella.

"What happened?" Tanong ko sabay pumasok kami sa loob ng elevator at umakyat patungong pediatric ward.

"I heard a huge commotion to Nurse. Cruz patient's room, Charles. And then I just heard that the boy.. is dead."

My body froze after hearing what she just said. Oh, my God! Napa-sandal naman ako sa pader ng elevator.

"Ma'am?" Lumapit naman agad sa'kin si Ella. Pakiramdam ko maiiyak ako sa balita niya.

Charles is dead?!

H-how did he die?

Based on his medical chart the treatment and the care he's been receiving are very effective, he's really recovering. At kaunting panahon na lang ay makaka-labas na rin siya ng hospital. Kaya paano siya namatay?

"What is the cause of his death?" Bumaba ang tingin ko.

Charles. Kahit na sa maikling oras ko lang siyang naka-sama at naka-usap ay naging magaan ang loob ko sa kaniya. I recognized him as a fighter at a very young age.

"Hindi ko po alam pero ang pamilya ngayon ni Charles ay sinisisi si Nurse. Cruz sa pag-kamatay nito." Nag-hahalo na ngayon ang mga iba't-ibang pangyayari sa'king isipan pero mas pinili kong kumalma. Gusto ko munang malaman ang lahat. I don't want to act out of impulse.

Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay madali kaming lumabas. Wala pa man din kami sa room ni Charles ay naririnig ko na ang malakas na sigawan.

Anong nangyayari?

Pag-liko namin ng corridor ay agad kong nakita ang maraming tao na halatang may pinapanuod.

"Excuse me. I'm the CNO of this hospital. I want you all to move!" I said with an authoritative voice. 

Agad naman silang umayos at gumawa ng daan para sa'min. "Excuse me." Sabi pa ni Ella at nag-madali na kaming mag-lakad patungo sa gitna.

Nang makarating kami ruon ay nakita ko na sila. Isang pamilya na inaawat ng mga nurse sa pag-sugod sa isang pang nurse. Kay Nurse. Cruz na walang ibang magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak. May isang matandang babae na galit na galit na biglang sumugod kay Nurse. Cruz at malakas na sinampal ito sa pisngi.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko at mabilis na dumalo sa kanila at pumagitna. "Paki-usap, kumalma po muna ang lahat. Naiintindihan ko po 'yung sakit at galit niyo pero kumalma po muna kayo." Ako na ang nakiusap.

Galit naman silang tumingin sa'kin pero nanatili pa rin ako sa gitna. Charles' family are all in rage, but my eyes noticed that there is one person who was not. She was just sitting on the floor and silently crying in her arms.

Ang stepmom ni Charles.

"Hoy, nurse. Huwag kang mangielam, ah. Paano kami kakalma? E, 'yang nurse na 'yan, pinatay ang anak ko!" Biglang sigaw ng isang lalaki. Papa ng pasyente.

"At bakit naman kami makikinig sa'yo? Kami ang pamilya ng pasyente rito! Kami ang namatayan!" Sigaw ng isang Lola na sumampal kay Nurse Cruz. Napansin ko na parang kaka-galing lang din nila sa pag-iyak.

Never Promise AgainWhere stories live. Discover now