Chapter 49

31 5 0
                                    

Naya's Point of View

"Anong meron? Anong ginagawa niyo rito?"

Nag-tataka kong tanong ng makita ko sila Felix, Ella at Rosie sa labas ng aking condo. Actually nung tumunog 'yung doorbell ko rito I did not expect na sila ang makikita ko. 

"Mag-cecelebrate tayo. Kaya wala ka ng maraming tanong pa at maligo at mag-palit ka ng ng damit. Bilis!" Si Felix na ang sumagot ng mga tanong ko.

Kumunot naman ang nuo ko. "Pasok muna kayo." I welcomed them. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 9:00 P.M pa lang. Maaga pa masyado. Maaga siguro sila nag-off sa work.

"Anong sinasabi mo ulit, Felix?" Tanong ko dahil hindi ko pa rin siya masyadong ma-gets. Kumukuha naman ako ng drinks for them.

"Celebration! Kasi diba proven ng inosente si Nurse. Cruz meaning panalo tayo sa kaso. Tapos back to work na rin kayong dalawa. We should celebrate that. Inuman!" Excited na sabi ni Felix. Mukhang gusto niya talagang mag-inom, ah.

"Ah, right! I nearly forgot about that because I was too excited to get back to work. Yeah! We should celebrate." Sagot ko sabay lapag ng drinks at tumakbo na sa'king walk-in closet para kumuha ng mga damit.

"Excited ka masyado? Wala naman naka-miss sa'yo sa hospital." Halakhak ni Felix at umirap na lang ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Really? E, bakit nandito ka?" I replied while picking up my clothes that I'm going to use. Pwede na 'tong mga 'to.

"Bilisan mo na lang, pwede?" Sagot ni Felix at tumakbo na ako papuntang bathroom. Saglit akong naligo at nag-bihis. Lumabas na 'ko ng bathroom at dumiretso sa'king vanity. Umupo ako ruon at nag-lagay ng make-up.

"By the way, Tinawagan ko rin si Luxas at sabi niya sasama rin daw siya sa celebration." Narinig kong sabi ni Felix at napa-lingon naman ako sa kaniya. Tinawagan talaga niya si Lux?

"Really? Since when the two of gotten close?" I asked while putting a red lipstick.

"Malapit na at tsaka mabait naman 'yung tao kaya inaya ko na rin siya. Baka malay natin ilibre tayo ulit." Muling humalakhak si Felix at muli rin akong napa-irap. Gusto niya bang i-close si Lux dahil mabait 'to o dahil libre?

Tinapos ko na lang ang pag-lalagay ng make-up at nag-spray na ng perfume at dinala ang aking bag. Inaya ko na sila at lumabas na kami. I was wearing a black tank top partnered with high-waist jeans and a laced sandals. I also wore a cardiggan.

Dinala ko ang kotse ko para hindi hassle mamaya pag-uwi. Ayoko naman pagurin si Felix sa pag-dadrive. Bale mag-isa lang ako sa kotse at silang tatlo ay kasama ni Felix sa kotse nito.

We should really celebrate because our win deserves to celebrate. Hindi naman ako iinom ng marami lalo na't back to work na ulit ako bukas. I want to arrive at work in a good and top condition. I also need to enjoy this night.

Nang makarating kami sa bar ay pumwesto na kami sa isang couch. Um-order na kami ng mga drinks at nag-share naman kami ni Felix sa bills.

Nag-simula na kaming mag-inuman ng dumating si Lux. "Luxas, you're late!" Bungad sa kaniya ni Felix sabay tayo.

"Traffic." Sagot ni Lux at umupo na rin siya sa tabi ni Felix. Lux waved at me, so I just smiled to him. He's wearing a button-down long sleeve dark red polo partnered with pants and shoes.

"Inuman na!" Felix shouted as the music gets more louder. Uminom na kami and I'm limiting myself.

Naalala ko kasi 'yung sinabi sa'kin ni Kayla na bumaba raw ang alcohol tolerance ko kaya wala rin akong masyadong maalala nung last inom ko ng makita ko si Lux. Parang gusto ko tuloy bigla siyang tanungin kung may mga nagawa ba 'ko o nasabi sa kaniya. 

Never Promise AgainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora