Chapter 39

56 5 0
                                    

Naya's Point of View

"You care, you care. Bwiset ka, gago! Alam mo ba 'yun, hah!"

Lasing na sabi ko. Ewan ko ba pero hindi ko na makontrol ang bibig ko at kung ano-ano na lang ang mga lumalabas dito. Siguro nga talagang tinamaan na 'ko ng alak. Ang sakit na rin ng ulo ko.

"Tangina! Ano bang pinag-sasabi nitong ni Naya? Kanina pa 'to sa kotse, e. Sampalin ko na kaya 'to para matauhan. Isang bagsak lang." Sambit ni Kayla. Nauuna siyang mag-lakad sa'min ni Joshua na inaalalayan ako sa pag-lakad papuntang condo unit ko.

"Lasing lang siguro kaya kung ano-ano na ang pinag-sasabi. Record mo nga tapos panuod mo sa kaniya bukas. Ewan ko na lang dito kung uminom pa 'tong babaeng 'to." Sagot ni Joshua at pinag-tawanan pa ako ng dalawa.

Isa pa 'tong mag-jowang 'to, e! Kanina pa sila, ah.

Pagkarating namin sa tapat ng unit ko ay kinuha ni Kayla ang susi sa'king handbag na siyang may dala. Dinala nila ako sa loob at dahan-dahang akong inupo sa couch. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa sobrang sakit na ng ulo ko. Pakiramdam ko umiikot ang aking paligid.

"Joshua, rito na lang ako matulog. Kawawa naman 'tong third wheel natin, e." Narinig kong sabi ni Kayla pero wala ng akong lakas para sumagot. Ito kasing ulo ko, e!

"Sige. Mas maganda nga 'yun. Sunduin na lang kita rito ng bukas ng umaga. Mag-dadala na rin ako ng uniform mo." Sagot naman ni Joshua at narinig ko na lang ang pag-bukas at pag-sara ng pintuan. Umalis na siguro si Joshua.

Narinig ko naman ang mga yabag ni Kayla pabalik. "Okay, Naya, girl. Tumayo ka na d'yan at mag-shower dahil kung hindi ako ang sisisihin mo bukas." Naramdaman ko ang mga kamay ni Kayla sa'king braso na hinahatak ako patayo.

"Kayla naman, e.." Para akong bata na nag-pupumiglas pero hindi rin siya nag-paawat. Ano ba naman 'yan, e!

"Hoy, sasampalin kita! Tumayo ka na d'yan, ah." Dahil lasing nga ako ay wala na akong lakas para makipag-hilaan. Nadala na lang ako ni Kayla sa banyo at tinutulungan niya na 'ko ngayong mag-toothbrush.

"Ang hirap ng walang jowa kapag lasing, ano!"

Nang matapos akong mag-toothbrush ay tinulak naman ako ni Kayla sa loob ng shower.

"Mag-shower ka para mahimasmasan ka!" Sigaw niya mula sa labas. Ginawa ko na lang ang sinabi niya at kahit paano ay gumagaan ang bigat ng ulo ko.

Nang matapos ako ay inabutan ako ni Kayla ng pajama. Sinuot ko 'yun at lumabas na ng banyo. Inalalayan na lang ako ni Kayla at diniretso niya na 'ko sa kama.

"Ang dumbbell mo, girl." Halakhak ni Kayla pero binalewala ko na lang siya. Pumikit na lang ako para ma-tulog na. Kanina ko pa gustong ma-tulog

"Hoy, huwag ka munang ma-tulog. Uminom ka muna ng tubig. Ay, puta ka!"

Kinabukasan ay nagising na lang ako na masakit ang ulo at mabigat ang katawan. Para bang binugbog ako. Nakita ko na lang si Kayla na galing banyo at naka-suot na siya ng kaniyang uniform.

"Oh, gising ka na?" Puna niya ng makita ako. Tumingin ako sa couch at naruon si Joshua na naka-corporate attire. Tinigil niya ang pag-cecellphone ng marinig si Kayla.

"Kumusta pakiramdam mo, Naya?" Joshua asked. Tumayo siya at kinuhaan ako ng tubig bago lumapit sa'kin at binigay ang baso.

"Thank you." Sabi ko at ininom ang tubig.

"Bumili rin ako ng pagkain for breakfast at gamot pang-tanggal hangover. Nasa lamesa lang 'yun." Joshua said. Nilapag ko naman ang baso sa side table ng bed.

Never Promise AgainWhere stories live. Discover now