Chapter 21

144 6 0
                                    

Warning: R-18.

Naya's Point of View

"Akyat na 'ko, ah."

Bulong ko ulit sa kaniya at maingat na tumayo tsaka umakyat pabalik sa kwarto at iniwan siya sa sala ng mag-isa at naka-higa.

Mabilis kong sinara at ni-lock ang pintuan bago sumandal dito. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at sinapo ang aking dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso.

Ano ba kasi 'yung nangyari kanina? Naramdaman ko pa tuloy 'yung ano niya.

Umiling na lang ako at kinuha ang mga damit na susuotin ko sabay pumasok ng banyo para mag-bihis. Lumabas na rin ako pag-katapos at pumuntang pintuan at sumilip dito. Nakita ko naman si Lux na naka-sandal sa pader at mukhang hinihintay ako.

"Are you done?" Tumayo siya ng maayos.

"Yes." Pina-tuloy ko na siya ng loob ng kwarto. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit sa'king sling bag ay narinig kong pumasok siya sa bathroom, maliligo na rin siya siguro.

Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pintuan at ng pag-tingin ko rito ay halos mahulog ang panga ko ng makita si Lux na boxer lang ang suot habang pinupunasan ang basa niyang buhok ng twalya. 

Agad kong binalik ang atensyon ko sa'king ginagawa. Binagalan ko lang ang aking sarili at ng sumilip akong muli sa kaniya ay naka-bihis na siya.

He's wearing a colored light grey hoodie partnered with maong shorts.

"Tara na." Pumunta na kami sa kotse at ni-lock muna niya ang rest house bago kami umalis.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta basta sabi niya lang ay papasyal kaming dalawa. Na-eexcite na nga akong maka-punta sa sinasabi niya, e. Maka-lipas lang ang kalahating oras ay nakarating na kami sa'ming destinasyon.

Nauna na 'kong bumaba sa kaniya at agad akong napa-wow ng malaman ko kung nasan kami, madalas ko rin 'tong makita sa mga social media posts. Maganda rito, e!

Tagaytay Picnic Grove!

Naramdaman kong tumabi sa'kin si Lux sabay hawak sa'king kamay at pumunta kami sa entrance at siya ang nag-bayad ng fee.

My eyes keep roaming the whole place, we're in like a tropical rainforest and I can't help myself but to admire the views.

"Sobrang ganda rito! Ang sarap sa mata ng mga tanawin! Ngayon pa lang ako naka-punta rito, e. Dapat pala pinuntahan din namin 'to ni Mama. Mabuti na lang dito mo 'ko unang dinala." Umiikot pa rin ang aking mga mata.

"Mabuti na lang talaga." Sagot niya.

"So, saan tayo? Anong gagawin natin dito?" Excited kong tanong. Ngumisi naman siya at mabilis akong hinatak.

"L-lux." Tawag ko habang naka-hawak sa kaniyang kamay at kinakabahan habang sinusuot sa'kin ang helmet.

"You'll be fine, Naya, okay. Don't be so nervous." Pag-papakalma niya sa'kin.

Tumango na lang ako pero kinakabahan pa rin. This is my first time riding in a zipline kaya kinakabahan talaga ako. Ibang level ng kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Ma'am, mahigpit naman po 'to, ano? Hindi naman ako malalaglag?" Kinakabahan kong tinanong.

"Rest assured po, Ma'am. Ready na po kayo?" Sabi sa'kin ng stuff sa likod ko.

"R-ready, ready na 'ko, right?" Sagot ko at nakita ko naman ang pag-pipigil ng tawa ni Lux.

"Okay po. Ready?" Sabay hawak ko ng mahigpit na mahigpit sa harness.

Never Promise AgainWhere stories live. Discover now