Chapter 12

151 6 0
                                    

Naya's Point of View

"Okay po, Sir."

Sagot ng mga kaklase ko habang ako naman ay nakapalumbaba lang habang nakikinig sa professor namin. Kahit na sinabi na nito kanina na may quiz kami next week ay hindi ko pa rin magawang i-absorb ang lesson niya. My mind was too occupied, thinking why I did that. Why I didn't greet him back or even look at him the minute he appeared. 

Tumayo na lang ako ng nalaman kong lunch break na. "Kanina ka pa tulala, ah. Anong meron sa'yo?" Ava approached me. 

"Wala naman." Tanggi ko agad. "Tara na sa cafeteria at nagugutom na 'ko." I smiled to her and we both went to the cafeteria. Nakita namin si Kayla sa isang six seaters na lamesa. Nang makita niya kami ay tinaas niya ang kaniyang kamay sabay tinawag kami.

"Mga babae, madali kayo rito!" Sigaw niya at halos ng kababaihan dito sa cafeteria ay tumingin sa direksyon niya. "I mean, mga babae kong kaibigan. Ayun, oh!" Pag-lilinaw niya sabay turo sa'min.

"Oh, Naya, kaibigan mo tinatawag ka." Pag-tawa ni Ava sa tabi ko.

"Loka, kaibigan natin 'yan." Sambit ko at lumapit na kami sa table para ma-tigil na si Kayla sa pag-sisigaw. Nakakahiya na, e.

Nung una ay nag-tataka pa 'ko dahil masyadong malaki ang lamesa na 'to para sa'ming tatlo. Pang grupo kasi itong napili niyang table, e. Nag-kibit balikat na lamang ako at naunang ng umupo si Ava at sumunod lang ako.

"Hindi pa ba tayo oorder? Ang haba ng pila, oh." Stress na sabi ni Ava sa nakikita niyang pila. Mukhang kailangan na naming pumila ka-agad dahil kung hindi pa baka pag-time na naming mag order ay tapos na ang lunch break.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Kayla. "Don't worry, girls, kasi meron ng nag-order para sa'tin." Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya? Sino naman kaya 'yuny sinasabi nito ni Kayla? Kaya ba masyadong malaki 'tong lamesa dahil may kasama pa siya?

Mag-tatanong na sana ako sa kaniya pero hindi na kailangan dahil nakita ko na si Dexter kasama si Lux na may dala-dalang tig-isang tray na puno ng mga pagkain. 

Muli kaming nag-katitigan ni Lux pero muli din akong umiwas ng tingin. Ito na naman ako.

"Anong meron? Hi sa inyo, the way." Saad ni Ava sa tabi ko.

"Nandito na pala kayo, e. Kain na!" Rinig kong saad ni Dexter sabay lapag nilang dalawa ng tray sa table. Anong meron? Bakit ang daming pagkain?

"Sinong nang-libre?" Tanong naman ni Ava at kinuha ang isang plato na may lamang chicken spaghetti.

Napa-sulyap ako at nakita kong umupo na rin si Dexter tapos si Lux. Bale mag-katapat kami ngayon. 

"Ganito kasi 'yan. Hindi ba dahil sa kagagawan niyong dalawa ni Kayla dalawa ang nabili nating sapatos." Halakhak niya at naalala ko naman 'yung nangyari sa mall nung mag-kakasama kaming lima. "So, may bumili na ng sapatos at ang laki ng tubo ko." Ngumiti ng malapad si Dexter.

"Hoy, ideya ko kaya na i-benta ang sapatos ng doble sa presyo nito." Halakhak naman ni Kayla. 

"Uh, so may bumili ng sapatos tapos nanlilibre ka kasi nakokonsensya ka sa ginawa mo at gusto mo lang kaming idamay." Sarkastikong sabi ni Ava. Dexter pouted. 

"Hindi, ah! Ipinamamahagi ko lang tutal nag-bigay din kayong dalawa ni Kayla sa pinambiling sapatos, e. Kumbaga squad na tayong lima!" Masigla niyang sabi.

"Sabi mo, e." Kibit balikat ni Ava.

Nakikinig lamang ako sa usapan nila ng biglang inusog ni Lux sa harapan ko ang isang plato na may lamang pagkain. Napa-sulyap ako sa kaniya and he gave me a small smile at halatang inaalok ang pagkain sa'kin. Kinuha ko naman 'yun ng hindi siya pinapansin.

Never Promise AgainWhere stories live. Discover now