“May punto ka nga, Neszie.” Mayamaya ay sabi ng ate niya. “O siya, maglagay ka ng plato riyan at matatapos na itong niluluto ko.” Pagkuwa’y sabi pa nito na sinunod naman niya.

Nasa kalagitnaan sila ng agahan ng ate niya nang gulantangin sila ng pagdating ng kaibigan niyang si Jhoana. May dala itong magazines at tabloid na agad pumasok sa bahay nila nang pagbuksan niya ito.

“Ang aga mo naman yatang napasyal, Bhe. At ano ‘yang mga dala mo? May balak ka ba na pagbintahan kami ni Ate rito ng mga magazines mong ‘yan” biro pa niya na sumunod sa kaibigan.

“Look, Bhe. Sikat ka na at nasa front page ka ng tabloid kasama ang asawa mong si Jz.” pakita nito ng isa sa tabloid na dala nito sa kanya. “At basahin mo ang laman, Bhe. Parang eksena lang sa pelikula ang nangyari kagabi. At ang bruhang si Manilyn nagawa pang magdrama sa harap ng mga reporter nang umalis ka. Ang sarap talagang sabunutan ng babaeng iyon, alam mo ba, Bhe? At oo nga pala, ano bang kadramahan mo kagabi at may paiyak-iyak ka rin na nalalaman? Namamaga tuloy ang mga mata mo. At saka bakit hindi mo na lang sinabunutan ang bruhang si Manilyn kagabi ng sa gano’n ay makita niya ang hindi pa niya nakita sa tanang buhay niya?” mahabang litanya ng kaibigan niya.

Hindi siya sumagot na nagkatinginan lamang sila ng kapatid niya na nasa mesa saka napabuntong hininga siya.

“What? Hindi ka man lang ba magkukwento, Bhe? Sige, nagtatampo na ako sa’yo niyan. Ni hindi mo man lang sinagot ang mga text ko sa’yo kagabi at sobrang pinag-alala mo kami ni Jz kung anong nangyari na sa’yo kagabi. Tapos ngayong nandito na ako sa bahay niyo ayaw mo pa rin ikwento sa akin? Sige nagtatampo na talaga ako sa’yo.”

“Bhe, ayoko munang pag-usapan ang tungkol diyan. Dahil tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay pakiramdam ko wala na akong mukha na ihaharap sa lahat, lalo na kay Jz. At saka alam ko naman na laman ako ng balita ngayon dahil sa nakakahiyang ginawa ni Manilyn kagabi. Kaya nga hindi na ako nag-abalang bumili ng taboid diyan sa labas dahil alam kong mas lalo lang akong mapapahiya sa sarili ko kapag nabasa ko pa ang mga iyan.. At kung tungkol naman sa pag-iyak ko kagabi habang kumakanta ay dahil hindi ko napigilan ang emosyon ko na mapaiyak. Alam mo ba kung bakit, Bhe?”

Napailing ang kanyang kaibigan na naghihintay ng kanyang sagot kaya nagpatuloy siya.

“Dahil nakita ko na ang aking ama, Bhe. Ang papa namin ni Ate ay nakita ko na. At iyon ay walang iba kundi si Mr. A., na siyang nag-sponsor kina Jz sa bagong album nila. Haven’t you remember kung ano ang ipinakilala ni Sir James kagabi kay Mr. A.? Si Mr. Nestor Alday, Bhe. Nestor Alday a.k.a Mr. A., at siya ang ama namin ni Ate.” Paliwanag niya na hindi na naman napigilang mapaluha.

Samantalang ang kaibigang si Jhoana ay napaawaang ang labi sa kanyang sinabi. Mayamaya ay napailing na tila hindi makapaniwala.

“Si Mr. A., ang ama niyo, Bhe?”

Yumuko siya bilang sagot at marahang pinunasan ang luha niya.

“Kaya pala tinawanag ka niya kagabi nang tumakbo ka paalis ng party pero hindi ka na lumingon at hindi mo na nakita ang sumunod na nangyari nang umalis ka.”

“What do you mean, Bhe?” nagtatakang tanong niya.

“Si Mr. A., isinugod sa hospital kagabi kasi nanikip ang dibdib niya.”

“Ano?!” panabay nilang tanong ng kapatid niya na napatayo mula sa pagkakaupo sa hapag-kainan.

Napahawak siya sa kanyang dibdib na napatingin sa ate niya at muling ibinalik ang paningin sa kaibigan.

“Saang hospital nila isinugod si Papa?”

“Hindi ko alam kasi sina Sir James ang nagsugod sa kanya sa hospital kagabi. Kung gusto mo itanong na lang natin kay Jz dahil sa sasakyan niya isinakay si Mr. A., dahil sa sobrang pagkataranta ng lahat kagabi.”

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now