Lesson 30

18.9K 254 3
                                    

Seferina Pov

"Ayos yung mga matatanda na iyon." Bulong ko sa sarili ko habang pinagsasama-sama ko yung mga  bote sa garbage bag, pagkatapos nilang pakantahin ako at puri-puriin ako pala ang magaayos ng mga kalat at pinaggamitan nila pasalamat sila weekends ngayon kaya ayos lang na mapuyat ako walang pasok.

"Uy! Leo gising na at tumayo kana dyan." sabi ko saknya habang tinatapik - tapik ko siya sa may braso nasa couch kasi siya hanggang ngayon dito na siya inabutan ng antok.  "Hmmm." Mihanang ungol niya.

Kainis ah! Ang dumi ng sala grabe! Parang hindi lang tatlo yung naginuman dito ang daming bote ng beer tapos my brandy pa at ang nakakainis pa ngayon ko lang na pansin yung mga chi-chirya ko dito inubos nila.

"Leo. Hello? Tumayo kana dyan doon kana  kwarto mo matulog ang laking istorbo mo dito sa sala." Bulyaw ko sakanya kahit alam ko naman na hindi niya ako papansinin. "Huwag ka nga sumigaw sef naririnig kita." Malumalay na sambit niya at dahan dahan na umupo.

Shacks! Iba talaga nagagawa ng alak.

"Gising kana pala tapos ayaw mo pang bumangon dyan, dali na akyat kana sa taas doon kana sa kwarto mo nang makatulog ka ng maayos." Pangungulit ko sa kanya at hinawakan ang kamay nito para hilahin at tumayo siya.

Kainis ahh? Ngayon ko lang to ginawa sa buong buhay ko pasalamat ka talaga at mahal kita. "Tsk!" Smirk niya. At binitawan ang kamay ko."Asaan na sila ate mo?"sunod na tanong nito."Nauna na sila kanina pa, ihahatid nalang daw ni sir jc si ate." Paliwanag ko habang mataimtim ko naman pinupunasan yung lamesa.

Grabe ano ba ang nakain ko at napalinis ako ngayon? Ang sipag ko kasi. Chaar!

Napansin ko sa peripheral vision ko na nakahawak sa sintido si leo, Yan! Alak pa more akala ninyo matatalo yung alak? No. Sakit ng ulo lang hatid yan sainyo kaya nga may nakalagay drink moderately. Duh? Pero believe din ako kay sir jc kasi itong si leo at si ate bagsak na pero si sir jc aba'y gising na gising pa na para bang hindi siya tinablan ng ininom nila as in parang hindi nga siya uminom sa itsura nito gusto pa nga niya ako tulungan para ayusin at linisin yung mga kalat nila kaso tinanggihan ko nalang siya at nagrequest nalang na isabay na si ate pauwi buti pumayag agad si sir jc at alam ko naman na hindi siya tatanggi din.

Ano kaya magiging reaction ni ate pagnakita niyang si sir jc ang kasama niya ngayon? Hininto ko muna yung pagpupunas ko sa lamesa at gumapang ako palapit kay leo na abalang hilutin yung sintido nito.

Sige Alak pa!

"Ano kaya mo pa? Gusto mo ba ng maiinom?" Tanong ko sakanya habang tinitignan ko yung itsura niya na nakapikit at patuloy pa din sa paghilot sa sintido nito. "Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak." Malumalay na reklamon niya. Timang pala to! natural sasakit yung ulo talaga niya ikaw ba naman ang uminom ay mali! Lumaklak pala ng alak.

"Huwag ka kasing yumuko lalo kang mahihilo yan." sabi ko sakanya kasabay ng paghawak ko sa kanya at sinandal ng maayos sa couch.

Hindi lang ako masipag ngayon kundi mabait pa.

"Mas komportable ako kapag nakayuko kasi, bakit gising kapa pala anong oras na ba?" Sabi niya sabay ang tingin niya saakin dahilan tanggalin ko yung kamay ko sa ulo nito.

parang nahiya tuloy ako sa ginawa ko sakanya pero sobra akong nag eenjoy sa ginagawa ko. Inferness ahh... Gwapo pa din siya kahit mukha siyang wasted.

"Huwag mo nga ako titigan ng ganyan hahali-." Hindi ko na siya pinatapos magsalita ng bigla ako sumbat ako biglang lumayo sakanya. "Ti-tiglan mo ko ng ganyan mo leo, hindi ka nakatuwa kahit gustong gusto kita tatamaan ka saakin. Umakyat kana nga doon sa kwarto mo! Huwag na huwag ka din pala papasok sa kuwarto ko." singhal ko sakanya.

Kinikilabutan ako sempre babae pa din ako duh.

Halatang nagulat siya sa biglaang paglayu ko sakanya at parang bang pilit niya pinapasok sa isip ninya yung pinagsasabi ko. "Baliw kana talaga." Malumalay na sambit niya at sabay yuko naman ulit nito. Mukhang behave naman siya ulit saka malabo may magagawa ito takot lang niya kay ate tina.

Nakokonsensya naman ako parang sobra talaga siya nasasaktan sa ulo niya. "Ayos ko lang ba talaga? Alas cuatro na ng umaga at kung tinatanong mo kung bakit mulat na mulat pa ako kasi naglilinis pa po ako." Sabi ko sakanya pero medyo nakalayu padin ako sakanya. mahirap na, mas maganda na yung Alerto ako.

"Bat hindi ka pa matulog ako na tatapos nito mamaya." umiling iling ako. "No. No ikaw ang matulog na at ako na magaayos nito saka hindi pa naman ako inaantok." Ngiting sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ko yung pagpupunas ng lamesa.

Napatango tango nalang siya bilang sagot parang nakonsensya talaga ako sa biglaang paglayo ko sakanya baka isipin niya nandidiri ako kaya ito gumapang naman ako ulit dahan-dahan palapit sakanya. "Gusto mo ba ng kape para medyo gumaan -gaan yung pakiramdam mo o kaya gamot sa hangover gusto mo? Hmmm... kaso wala nga pala tayong gnun gamot dito sa bahay bibili nalang ako ngayon." Nagaalala na din kasi ako sa itsura ninya talagang ramdam na ramdam ko din kasi yung sakit ng ulo nito.

Humarap siya saakin pero imbes sagutin yung mga tinong ko sakanya  bagkus nakatitig lang siya saakin. "May dumi ba yung mukha ko para titigan mo ng ganyan? Saka uso magsalita para malaman ko kung okay kapaba?" Sarkastikong paliwanag ko.

"Wa-wala.. Gusto ko lang matulog." Tipid na sagot niya sabay higa sa couch papatalikod saakin.

Bakit nautal siya? Sinisinok na ba siya? Tubig na ata kailangan nito. "Leo tubig?" Mahinang tawag ko sakanya pero hindi na siya umiimik.

Ano ba yan feeling mo bubuhatin kita paakyat? Bigat bigat mo duh! Tumayo ako mula sa pagkaupo ko sa lapag at bahagyang sinilip siya."Tulog agad? Agad-agad." Bulong ko sa sarili ko.

Hinayaan ko nalang siyang matulog sa couch at sinimulan ko na din ang paglilinas dito sa sala at pagtatapon ng basura inabot din ako ng alas cinco sa paglilinis dito sa sala pati sa kusina. Pero itong si leo ang sarap at himbing pa din ng tulog kahit pa ang ingay ko at may nahulog akong mga beer in can na hindi ko napansin butas pala yung plastik.

Mukhang mamaya pa siya magigising magbaba nalang ako ng unan at kumot baka kasi sipunin pa ito sa lamigin at baka magtrangkasuhin pa siya kesa hangover lang meron siya.

"yan mukhang komportable ka naman dyan, na adjust ko na din yung aircon." Mahinang sabi ko kahit alam ko naman na tulog na tulog siya.

Lumakad ako papuntang kusina titingin tingin kung ano meron dito nang mapantanto ko na hindi pala ako marunong magluto. "Mukhang kailangan ko talaga lumabas mamaya para bumili ng pagkain at mabili na din ng gamot sa hangover si leo." Matawa tawa nasa sabi ko sa sarili ko.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon