Lesson 28

16.6K 304 3
                                    

Andrea'Pov

"So, ano ang plano mo yan ah?" tanong ng kapatid ko. "Si abby." tipid na sagot ko. Gaya nga ng sabi ko si abby ang gagamitin ko to get back albert again. Marami na akong naiisip na pwedeng gawin pero hindi ko pa alam kung kailan ko ito magagawa.

"Hu? Ano meron kay abby?" takang tanong nito sabay humarap saakin, nasa dirty kitchen kasi kami ngayon nagluluto para sa dinner namin at sa tingin ko pauwi na din si kuya roland (my sisters husband) galing trabaho.

Andito kasi ako sa bahay nila ngayon, dito muna ako makikigulo at makikain ng dinner ayaw ko naman magluto sa condo ko o kumain sa labas sobrang nakaka umay na din saka gusto ko muna ngayon kumain ng lutong bahay. "Si abby yung gagamitin ko para makuha ulit si albert ate." Walang ganang sagot ko at kitang sa mukha nito ang pagkagulat. "My God andrea! Si abby pa talaga ang gagamitin mo for you're own sake, anong kabaliwan yang naiisip mo?!" sigaw na sambit nito. "Ate for the mean time lang naman saka hindi naman siya masasaktan and besides mukhang mageenjoy pa nga si abby na kasama yung girl-" napahinto ako sa sinasabi ko.

sh*t!

"Anong girl? Nako.. andrea diretsuhin mo nga ako kundi kakalbuhin kita!" sabay angat niya ng kutsilyong hawak nito. "Girlfriend ni albert, gustong-gusto kasi siya ni abby din." walang ganang sagot ko sakanya. ano bayan! nakakainis kapag naiisip ko yung babae na iyon kumukulo yung dugo sakanya, ang hindi ko din maintindihan kung paano siya nagustuhan ni albert? "Andrea may girlfriend na pala yung tao bakit kailangan mo pangguluhin? Hindi ko gusto yang plano mo at hindi kita kukunsintihin sa ganyan kaya hanggang maari tigilan mo na yan kahibangan mo." Panenermon na sagot nito saakin.

"Pero ate kaya nga ako nagdesisyon na umuwi dito sa pilipinas para ayusin ko yung problema ko diba?" pagdadahilan ko sabay pagsmirk ko sakanya at sundan ito."Oo alam ko, andoon na tayo. Pero wala akong sinabi na maninira ka ng isang relasyon andrea." sabi niya habang inaayos yung mga plato sa lamesa.

Jeez!

Nakakainis naman ang dami ko na nga dahilan pero mas marami siyang sagot! Akala ko ba tutulungan niya ako na maayos yung problema ko? Siya pa nga ang nagpauwi sakin dito sa pilipinas at nagpayo na ayos ko naman daw yung sa pagitan namin ni albert tapos ngayon, manenermon siya na akala mo nanay ko siya kainis!! Dapat pala hindi nako pumunta dito nagbar nalang sana ako atleast doon mageenjoy pa ako.

"Pero diba sabi mo tutulungan mo ako? Kaya nga umuwi ako dito kasi ikaw ang nagpauwi saakin."pagdadahilan ko ulit sakanya. "Oo hindi ko itinatanggi sayo iyan, pero ang akin lang tutulungan kitang makipagayos kay albert pero wala akong sinabi sayo na tutulungan din kitang sirain kung ano na ang meron si albert ngayon. Pagisipan mo muna yang gagawin mo andrea." Mahabang paliwanag nito sabay pagtalikod saakin.

Arg! kainis.

Hindi na ako nagabalang sumagot sa sinabi niya dahil may point naman kasi siya pero ayaw ko naman isuko si albert na gnun nalang, alam ko at ramdam ko na meron pasiyang pagtingin saakin nakikita ko pa iyon lalo na sa mga mata nito. "Abby tara na dito kakain na tayo malapit na si daddy mong dumating." tawag niya kay abby. "At ikaw." sabay turo niya saakin "Ayusin mo yang sarili mo pwde andrea hindi pa din naman ako umaatras sa pangako ko sayo na tutulungan kita kay albert okay. Osya maghugas kana ng kamay mo kakain na tayo." sabay baba niya ng bowl ng kanin sa dinning table. tumango nalang ako bilang sagot sakanya hindi ko naman pwede kontrahin tong kapatid ko kung hindi kami naman ang magaaway dalawa.

"Huuuwoow-- Daddy!! welcome back." salubong niya sa daddy niya habang tumatalon-talon pa.

"Andyan ka pala andrea buti na pa bisita ka dito?" sabi ni kuya roland sabay buhat kay abby. Ngumiti lang ako bilang sagot. "Hi hon, musta work? Tara na nakahain na yung pagkain." bati ni ate kay kuya roland with matching kiss pa sa lips duh! kailangan pa ba talaga nila gawin iyan habang nasa harap ako? Napakasuwerto ni ate sa pamilyang binuo niya at hindi ko maiwasan ang hindi mainggit sa sarili kong kapatid.

Ako. Ito ngayon ilan beses nang tinantanong ang sarili ko kung magkakaroon pa ba ako na gangyang klaseng pamilya? Minsan hindi ko maiwasan ipagkumpara ang sarili ko sa sitwasyon namin ni ate. Oo, nakakaiinggit sobra-sobra kung hindi ko iniwan si albert at kung hindi ako naging selfish? Siguro ganito na din kami ni albert ngayon. Kasal at may anak na katulad ni abby at sigurado ako magiging isang mabuting ama si albert dahil si abby pa nga lang ay naalagan na niya ng mabuti kahit hindi naman niya ito kadugo paano pa kaya kung sariling anak na namin diba?

Ang sarap lang isipin na sana katulad din ako ng kapatid ko ngayon na masaya at kuntento na, pero di ko na kayang ibalik ang dati para itama yung katangahan na ginawa ko kung naging kuntento lang ako sana sa akin pa din si albert ngayon.

*****

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon