Lesson 3

35.3K 529 8
                                    

Three

Lumalakad ako papuntang main gate habang ngiting ngiti sa nangyari lang kanina halos hindi na ako makapag-focus sa lesson namin. Grabe talaga yung mukhang ni leo kanina ang efic. HAHAHA!

Para tuloy akong krung-krung nito ngumingiti magisa habang lumalakad palabas buti nalang wala na masyadong mga estudyante dito sa hallway.

Sinigaw ko ba naman kasi "FIANCE HERE! MR. CELEDONIO." Gulat na gulat talaga si leo pero bakit ang gwapo pa din niya kahit saang anggulo gwapo lang siya sa paningin ko. Pauwi na ako pero ito naman tayo ulit dumiretso na daw ako sa condo ni leo dahil yung mga gamit ko na ipadala na lahat doon.

Ewan ko kay lolo ang lakas kung mangtrip. Sabi lang ng secretary niya "Hi Miss pinapasabi po ng lolo ninyo na doon na daw po kayo dumiretso sa place ni Mr. Celedonio blah blah..." Tutal malapit na din naman daw kasi yung engagement doon nalang muna daw ako para makilala na namin ang isa't isa ni leo.

Nang tawagan ko si lolo enrique para sabihin na doon muna ako mag stay sa place ni leo eh, mas excited pa siya na kesa sa apo niya as if naman na magustuhan ni leo na andoon ako duh!

Honestly isang malaking katunungan talaga saakin kung bakit ba kailangan nila gawin ang mga to, at habang ako hindi ko din maintindhan yung sarili kong bakit ako nakiki-ride kahit alam ko naman ako din ang masasaktan bandang huli.

Basta bahala na. Gising na gising siguro ako noon nagpaulan si Lord ng lakas mg loob at sinalo ko sa lahat kaya siguro ganito nalang din ako ka positive, kung hindi man ito magwork ako mismo ang laloyo sakanya pero sa ngayon malay natin baka madevelop siya saakin diba? Tsaka mahaba pa ang six months para magkakilala pa kami bago ang engagement.

***

Albert Leo

“Saglit lang.” Sigaw ko kahit hindi naman maririnig mula sa labas.

Kainis kasi.

Sino ba kasi to? Parang wala nang bukas kung makapag-doorbell, nakikita at ramdam naman niya siguro na walang tao sa loob kaya understood na iyon na may na tutulog o kaya walang tao.

Anong oras na ba? Wala din kasi ako matandaan na may pinapunta ako dito.

“Sino ba- ” Napatigil ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Anak nang! Bakit nandito ang babae nato?

Bakit may mga dala din itong maleta? Don't tell me.

“Hello Nagising ba kita? Mukhang 'oo' naman siguro ang sagot mo kasi nakatayo kana dyan eh, pasensya na no choice na talaga kasi ako kanina pa ako dito sa labas ng pinto mo tapos kanina pa din kita tinetext pati nga tawag ginawa ko na kaso hindi mo naman sinasagot kaya ito nag-doorbell nalang ako ng nag-doorbell.” Ayaw tanggapin ng utak ko yung mga pinagsasabi niya kaya agad ko syang pinagsaraduhin ng pinto sabay kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto.

Alas nuwebe na ng gabi at ganoon katagal din pala ako nakatulog napakunot ako ng noo nang makita ko ang mga misscall at message na puro unknown number na pare-parehas lang tama siya, nagsimula ng alasingko hanggang ngayon.

Bwisit paano niya nakuha number ko?

“Inferness ganda ng interior ng bahay mo sa sobrang unique mukhang ayaw dinng bisita, parang ikaw hindi mo man lang ako pinapasok." Reklamo nito habang nililibot ang paningin sa buong bahay. "Uy! Leo ano na? Antok ka paba? Parang nag fly fly pa ata ang utak mo HELLO.” pagpatuloy niya abang pakaway-kaway pa siya sa harap ko.

Napa facepalm na lang ako at hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya sa totoo lang na i-stress na ako at same time naiirita ako dahil ang ingay ng boses nito.

Hindi ba ako matatahimik? At ano naman ang ba pakulo nilang magkaibigan bakit andito tong babae nato!

Hindi pwede! Hindi maari.

“Ganyan kaba mag welcome sa mga bista mo dito, ang cold-cold mo naman kasi parang mas cold mo pa sa aircon doon sa lobby sa baba.” Sabi niya sabay pout nito.

Napasinghap ako sa mga sinasabi nito. Hiyang hiya naman ako sakanya siyang na nga ang nakakaistorbo siya pa ang reklamador.

“Manahimik ka nga ano gusto mo i-welcome pa kita ng may kasama pang banda dahil sobra akong nagagalak dahil nagkita naman tayo ulit?”sarkastikong sambit ko sabay umupo sa couch.

“Sungit mo naman leo, baka naman pwede mo ako matulungan na maipasok pa yung mga ibang gamit ko please.” Sabi nito habang hawak niya yung isang maleta nito at nilagay sa gilid ng pader.

“WHAT THE! Ginising mo lang para utusan mo lang nang maipasok yang mga gamit mo? Bakit hindi ka nalang magpatulong dyan para ipasok yung mga gamit mo sa unit mo.”Iritableng sagot ko.

“Easy. Ang puso mo baka mahulog yan ikaw din, pero andito naman ako at willing saluhin yan” Sabi niya habang kinilig na tumatawa pa.

“May nakakatawa ba?" Malakas na talaga saltik ng bata nato malawa sa ugali ni selestina, hindi ko ma-imagine kung siya talaga ang magiging end game ko baka maghapon nalang kami nagbabangayan.

“Pwede ba lumabas ka at tumawag ka nalang ng maga assist sayo ng maipasok mo yang mga gamit mo sa unit mo.” Sagot ko sa kanya habang kunwari kong binabasa itong libro na kinuha ko sa center table sa sala.

Ngayon pa lang inis na inis na ako tapos araw araw ko pa siya makikita sa school pati ba naman dito sa condo magkakasalubong pa kami.

"Ano ka ba ang unit sinasabi mo? Kaya nga kita ginising para tulungan mo ako ipasok yung nga gamit ko sa unit mo no need na para mag pa-assist sa iba andyan ka naman." Galak na galak naman niya sagot.

Ampu- SH*T!!

Kailangan ko na makausap si tanda ngayon as in NGAYON na MISMO!

***

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon