Lesson 29

20.6K 265 2
                                    

Continuation of lesson 27

Seferina Pov

"Hoy Magtigil kang unggoy KA!!!" rinig ko ang boses ni ate tina habang nasa kwarto ako at nagpapalit ng damit. "Selestina himala talaga ano nangyari sayo? Ang laki ng pinagbago mo sobra. Kaya naman pala sobrang tagal mong nawala sa pinas masyado ginalingan." Biro ni sir jc kay ate tina "SHUT UP!!! unggoy at pwede ba huwag mo akong tawagin sa pangalan na selestina okay tina ang itawag mo tina!!" Natatawa nalang ako habang pinakikigan sila magtalo habang bumababa ako ng hagdanan. "Ang laki talaga ng ginanda mo Nakakaspeechless hahaha!!" Hindi ko alam kung gandang-ganda ba siya kay ate tina or niloloko nalang niya ito. "Pwede ba unggoy  tigilan mo ako sa kakaganyan mo bwisit ka!!" Gigil na gigil na sambit ni ate tina.  "Ikaw na nga pinupuri ikaw pa galit. Maiba nga tayo bakit bigla ka ata napauwi ng pinas?" Tanong ni kuya jc na hanggang ngayon hindi pa din nila ako napapansin na dumaan sa likuran nila papuntang kitchen.

"Baka mage-enroll ako dito." Sarkastikong sagot ni ate. "Talaga? Sa klase ko nalang ikaw pumasok pdeng-pde ka doon."Masiglang sambit nito "Nako jc tigilan mo na nga si tina."pagawat ni leo. "Sef kanina kapa dyan?" Pagkuha ng atensyon ni leo kasabay ng paglingon nila ate tina at sir jc saakin.

Finally napansin din nila ako. "Hindi naman kani kanina lang kumuha lang ako ng maiinom." Ngiting sagot ko. "Tara dito sef." Lumapit naman ako gaya ng sabi nito.

Ewan ko ba? Pero kanina pa ako kinikilig sa bawat gesture ni leo, maganda ata kapag nakakainom ito.

"Tina."pagkuha ng atensyon ni leo kay ate tina kasabay ang pag sip nito sa beer. "kanino yung gitarang dala mo?" Tanong ni leo na ikinangiti ko naman.

Sa akin yan! Sure ako. Love na love talaga ako ni ate.

"Yan ba. Kay seferina yan nagpapabili kasi siya nasira daw kasi yung ganagamit niya." casual na sagot ni ate. "seferina tumutugtog ka?" Halatang gulat at hindi makapaniwala na tanong ni leo.

Excuse me! Matagal na ako tumutugtog duh.

"Oo naman parang hindi ka makapaniwala dyan bakit hindi mo alam? Uuhh.. kawawa ka naman halos magfo- four months na kayo nagsasama wala ka man lang alam sakanya." sarkasting sabi ni ate na ikinatawa naman ni sir jc.

Paano naman hindi naman kasi siya interesado saakin nun una. Sus!

"Lalim lang ng iniisip? Hahaa! Maraming talent yung bata na iyan. Iyan lang kasi inaatupag niya kapag naiiwan siyang magis-." napatigil magsalita si ate ng biglang sumabat si sir jc. "Paano ikaw lang naman ang walang talent sa inyo dalawa, buti nalang hindi nag mana sayo si seferina-" pailing iling pa na paliwanag ni sir jc. "Ang alam mo lang kasi mang bully at magbugbog Lalo na pagdating saakin." Hindi ko alam kung nagbibiro pa ba si sir jc or na nunumbat na pero ang saya nila pagmasdan ni ate. "Hoy UNGGOY! BWISIT KA!! BAKIT BA SABAT KA NG SABAT ? HINDI KA NAMAN KASALI DITO CHE!!" Sigaw na tugon ni ate kay sir jc habang nakapamewang ito. "He-hehe.. easy lang ate."matawa tawang pagawat ko sa kanila. "Kayong dalawa kanina pa kayo nagtatalo dyan." Napatingin ako kay leo na ngayon ay nakangiti.

Shacks! Ibang iba ang aura niya grabe! Mas kinikilig na talaga ako.

"Itong kaibigang unggoy natin nakakainis na kasi." Sabay irap ni ate kay sir jc at umupo sa tabi din ni sir jc. Hay ate halata ka naman masyado."By the way andito na din naman si seferina bakit hindi tayo magpa- sample." Casual na sabi ni ate tina na ikinagulat ko naman.

"A-ate naman."nahihiyang tawag ko sa kanya. "C'mon sweetie ngayon lang naman ulit mag re request si ate." Malamabing na sabi nito. "Please? Kunin mo na yung gitara dali." Magalak na sabi nito habang pumapalakpak pa, tumayo ako at kinuha ang gitara na nakasandal sa tabi bookshelves.

Ano ba naisipan ni ate? Kinakabahan ako.

"Ate ang ganda naman nito." Hindi ko maiiwasan na ma mangha ng binuksan ko ang bag at bumungad saakin ang napakagandang gitara at nakaukit pa ang pangalan ko sa harap.  "Dali dali sweetie tugtugan mo muna kami at para matanggal yung pagka badtrip ko sa unggoy nato." Excited na sambit ni ate tina.

"Eh?" Nahihiyang sambit ko. Agad agad ni hindi ko nga alam yung kakantahin ko sa kanila saka kinakabahan din ako dahil ito yung unang beses ako tutugtog sa harap ni leo."Oo naman, ngayon na bilis." Pangungulit ni ate.

Napalalunok nalang ako at pinagmasdan sila isat isa na at nang mapahinto ang tingin ko kay leo na nakangiti ito na para bang nagsasabi saakin na kantahan ko siya.

Hindi ko maintindihan  yung nararamdaman ko para bang nabibingi na ako sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. "Uh.. umm.. ano ba gusto ninyo tugtugin ko?" Nahihiyang tanong ko kasabay nun unti unti kong itinotono  na ang gitarang hawak ko.

"Pusong bato haha!!!" Pangasar ni sir jc na kasabay naman na hinapas ito ni ate ng throw pillow si sir jc. "Magtigil ka nga Unggoy kahit kailan talaga wala ka sense sense yung sinasabi mo!" Gigil na sabi ni ate at humarap naman na siya saakin."Bilis sweetie ikaw na bahala" Malambing na sambit ni ate.

Tumango lang ako at ngumiti. "I think I'm In love by Kat Dahlia acoustic version." kasabay ng pag-strum ko ng gitara.

****

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon